^

PSN Opinyon

EDITORYAL - FOI bill, kalasag sa mga illegal na gawain

Pilipino Star Ngayon

ILLEGAL ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ayon sa pasya ng Supreme Court. Hindi maaaring maglipat ng pondo o savings mula sa isang sangay ng pamahalaan patungo sa iba pa. Hindi puwedeng galawin ang pondo lalo’t hindi pa natatapos ang taon. Pero lahat nang ito’y nalabag dahil na rin sa kagustuhan ng Department of Budget and Management na nagsabing napunta naman daw sa mabuti ang pondo. Nakinabang naman daw ang mga mahihirap. Ginawa raw para mapaunlad ang ekonomiya. 

Kung noon pa ipinasa ang Freedom of Informa-   tion (FOI) bill, hindi sana ganito ang nangyari. Hindi basta-basta mapapakialaman ang DAP sapagkat dadaan sa pagbusisi ng mamamayan. Hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga may buktot na hangarin. Hindi maisasagawa ang anumang transaksiyon lalo pa’t sangkot ang pondo ng mamamayan.

Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang ma­mamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatan nilang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng ta­um­bayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Kung magiging batas ang FOI bill, maaari nang magkaroon ng access ang mamamayan sa mga programang ginagawa ng public officials. Malalaman na ng mamamayan kung paano ginagastos ng kanilang official ang pondo. Malalaman ng mamamayan kung ano ang mga pinasok na kontrata at mga kasunduan. Maaari na ring ma­laman ng mamamayan kung ano ang ginagawang programa ng public officials para mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo.

Maraming nananawagan na ipasa na ang FOI bill upang magkaroon ng panlaban ang mamamayan sa mga illegal na transaksiyon na ‘niluluto’ ng mga gahaman sa yaman. Mahigit 20 taon nang nakabinbin ang FOI bill pero hanggang ngayon ay ayaw pang pausarin. Noong nangangampanya si P-Noy noong 2010, sinabi niyang ipaprayoridad ang panukalang ito. Ngayon ay mayroon na lamang siyang 541 araw na nalalabi sa puwesto at hindi mabanaag ang pagsikat ng FOI bill.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FREEDOM OF INFORMA

KUNG

MALALAMAN

MAMAMAYAN

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with