^

PSN Opinyon

‘Si pare, tumalo ng may gatas pa sa labi...’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

HUWAG MONG HAYAAN makalapit ang gamu-gamo sa gaserang nakasindi ng apoy. Kapag nadikit ito, hihigupin ng init ang kanyang mga pakpak at tuluyang masusunog.

Itago na lamang natin sa pangalang Karyl ang biktima, 15 taong gulang ng Southville, Muntinlupa City. Ika-21 ng Mayo taong 2014 nangyari ang insidente sa pagitan ng biktima at ni Luis Villacrusis, kumpare ng kanyang ama.

 “Alas -7 ng umaga pinapunta ako ng papa ko sa palengke sa Muntinlupa para ihatid ang damit niya. Nakita ko po si Luis, ipinaalam po niya ako kay papa at sinabing may ipapadala lamang sa kanyang mga anak, ayon kay Karyl”.

Pagkatapos nito ay ipinahawak sa kanya ni Luis ang P450 (pesos) at sinabing ipadala ito sa kanyang mga anak.

Lumakad na sila at inaya siya nito sa Jollibee at habang kumakain tanong ni Luis, “May boyfriend ka na ba? Pwede ka bang magmahal?”

Ang sagot ng dalagita ay wala at hindi pa pwede dahil siya muna ay magtatapos bago mag-boyfriend. Bigla na lamang sinabi nito, “Mahal kita.” Sa pagkakataong iyon, nabigla si Karyl.

Pagkatapos nilang kumain sinabi ni Villacrusis na pupunta muna sila sa Summitville. Pumasok sila sa Sun Bay Apartelle bandang alas-10:30 ng umaga.

“Sabi po niya sa akin, umakyat ka sa taas nandun yung mga groceries na ipapadala natin”, wika ni Karyl.

Umakyat naman siya at naghintay sa sofa. Makalipas ang ilang minuto, umakyat itong si Luis at ipinasok siya sa kwarto, isinara ang pinto at pinatay ang mga ilaw.

“Kinabahan ako. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang braso, itinulak ako sa kama at pilit niyang natanggal ang shorts ko at isusunod niya ang panty ko. Pinipigilan ko siya ngunit natanggal niya pa rin ito”, wika ni Karylle.

Hindi raw makasigaw ang biktima dala ng sobrang pagkatakot niya. Binalaan pa siya nitong si Luis na huwag magsusumbong dahil papatayin siya.

“Naramdaman ko na pumasok ang ari niya sa ari ko, naglabas pasok ito ng ilang minuto. Pilit ko siyang itinutulak subalit napakalakas niya kaya’t hindi ako makapalag. Umiyak ako at sinabing nasasaktan na at tama na”, sabi ng dalagita.

Kuwento rin ng biktima na naramdaman niyang may tumulo na likido at kumalat sa magkabila niyang hita.

Biglang tumayo itong si Luis at sinabing, “Sige umuwi ka na”. Nagbihis si Karyl at hinatid siya ni Luis hanggang sa bayan.

Ayon sa mga dokumentong naipakita sa aming tanggapan, lumalabas na pitong araw matapos ang nangyaring panggagahasa kay Karyl, tsaka lamang ito naglakas ng loob na magsabi sa kanyang mga magulang.

Paglalahad niya, umaga ng Mayo 28, 2014, natakot siya nang makita si Luis sa palengke pagkatapos maghatid ng damit sa kanyang ama. Nang mahalata ito, pinasakay siya sa tricycle na pagmamay-ari ng isang kaibigan at pinahatid pauwi.

Kwento rin ng biktima na ang tricycle driver na ito ang una niyang sinabihan sa nangyari sa kanya dahil napansing takot na takot siya. Ito rin daw di umano ang tumulong sa kanya upang umamin sa kanyang pamilya.

Lumabas ang Medico-legal report nitong Mayo 28, 2014 sa Crime Laboratory Office ng San Antonio Makati City, nakasaad ang konklusyon:

CONCLUSION: Medico-legal evaluation shows clear evidence and blunt penetrating trauma to the hymen. Ito ay pirmado ni Reah Mangoba Cornelio, MD, Police Senior Inspector, Medico-Legal Officer.

Sa tulong ng Women’s Desk PNP-Muntinlupa City, sinampahan ng kaso si Luis Villacruses ng Rape in relation to RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinabi ng kampo ng biktima na hindi daw humaharap itong si Villacruses sa korte ng dalawang beses na. Sa ngayon sila ay naghihintay na lamang ng warrant of arrest sa akusado

Itinampok namin ang istorya ni Karyl sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maraming pwedeng itanong o ibutas sa kwento ni Karyl lalo na kung ang mag-uusisa ay isang magaling na abogado ng depensa. Isa lang naman ang sagot dyan.

Ang kuwento ni Karyl ay diretso at hindi pabagu-bago na nagpapahayag na siya ay ginahasa, pinagsamantalahan nitong lalakeng si Luis Villacruses.

Meron din siyang medical examination report na siya ay nagalaw mula sa isang matigas na bagay at ito kagaganap pa lamang.

Sa edad na kinse anyos maari mong sabihing sa panahong ngayong ang ating mga kabataan ay marami ng alam. Meron din namang walang muwang sa kamunduhan. Bakit, dahil bata kasi.

Ang kapakanan ng ating mga kabataan ay parating inuuna ng ating estado, ng ating mga hukuman, dahil inilalagay na wala silang kakayanan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Sa pagitan ng isang taong itinatanggi (alibi) na ginawa niya ang krimen at isang babaeng na walang kagatul-gatol na itinuturo siya, ang testimonya ng huli ang mas kikilingan ng ating mga taga-usig.

Ganyan na nga ang nangyari. Matapos ang preliminary investigation na pinamahalaan ni Prosecutor Maria Rhodora Salazar-Ruba, niresolba niya ang kaso.

Nakitaan niya ito ng probable cause para sa kasong sinampa laban kay Luis Villacruses. Sa ngayon, susunod na ang ‘warrant of arrest’ matapos nito maibigay sa isang hukom para sa Determination of Probable Cause.

(KINALAP NI HAZELYN FRIAS)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

AKO

KARYL

LUIS

LUIS VILLACRUSES

MUNTINLUPA CITY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with