‘Kriminalidad, bumaba raw?’
SUNOD-SUNOD na insidente ng mga patayan ang naitala nito lamang nakaraang dalawang linggo.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), mababa lang ang crime incident nitong mga nakaraang araw. Nagkataon lang daw na malalaking personalidad ang mga biktima ng krimen.
Ipinagmamalaki rin ng ahensya na bumaba ang bilang ng kriminalidad simula noong taong 2010 at tumaas ang crime solution efficiency base sa datus ng Philippine Statistics Authority – National Statistics Coordination Board.
Ang problema, taliwas ito sa mga sinasabi ng mga tao sa ibaba kung persepyon nila ang pagbabasehan.
Matagal ko na itong tinatalakay sa aking programa. Isa sa mga interes ng BITAG ang law enforcement o ang pagpapatupad ng batas. Ito ang idinudokumento ng BITAG Team Ride Along taon-taon sa Amerika partikular sa State of California.
Sa Estados Unidos, ang mga patrol officer, agresibo sa kanilang trabaho. Makikita sila sa mga lansangan, nagpapatrolya sa bawat sulok ng kanilang beat o nasasakupang sektor.
Kaya naman ang mga kriminal, bago pa man nila isaÂgawa ang kanilang maitim na balakin, magdadalawang-isip muna sa kanilang aktibidades.
Sa pamamagitan ng central communication system o 911, madaling naaalertuhan ng mga dispatcher ang mga patrol officer sa anumang uring responde.
Gamit ang mga 2-way radio at patrol car, segundo lang, nasa lugar na ang mga alagad ng batas.
Wala tayong ganitong sistema sa Pilipinas. Ang 117 o ang national emergency number sa bansa na binuo noong 2003, hindi lubos na nagagamit at napapakinabangan.
Nauna ng sinabi ni Interior and Local Government Se-cretary Mar Roxas noong nakaraang taon na siyamnapu’t anim na porsyento ng mga tumatawag sa 117 ay “prank caller†dahilan para hindi ito seryosohin ng DILG.
Hanggat hindi ipina-prayoridad ng gobyerno ang pagsasaayos ng central communication system, lalo lang magkakaroon ng lakas ng loob ang mga kriminal na gumawa ng krimen.
Isang paglilinaw, hindi binabatikos o ginagawang katatawan ng BITAG Live ang PNP sa kolum na ito. Pinupuna lang ng aking programa ang mga kahinaan at kakulangan ng ahensya para mapagtuunan ito ng pansin ng mga namumuno.
Panoorin kung papaano ang pagpapatupad ng batas sa Amerika. Log on, bitagtheoriginal.com click “PINOY-US Cops.â€
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest