^

PSN Opinyon

5 cock derby sa Teta nina Kuya Biyong at Kuyang Sito

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BUKAS magkakaalaman mga kasabong kung sino ang tatanga este mali tatanghalin kampeon sa  5 cock derby sa TETA (Tagaytay Excellence Tourist Arena), nina Atty. Biyong Garing at dating BIR Commissioner Sixto Esquivias IV mga promotor este mali promoter pala ng pasabong.

Birada ni Kuyang Biyong may P600,000 ang guaranteed price or more with matching championship trophy, P30,000 sa handler, P15,000 sa gaffer.

Samantala, P33,000 ang pot money na P22,000 ang minimum bet. 

Ayon kay Kuyang Biyong, ang desired weights ay 1.8 to 2.4 kgs., submission of weights, today bago mag-derby hanggang alas 9 ng gabi.

Abangan.

Bright people in favor sa Truth Commission

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may mga pa-bright, bright ang gustong magbuo ng Truth Commission  o special body na kakalkal sa usapin tungkol sa pork barrel scam na talk of the town sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, Truth Shall Prevail!

‘Sino naman ang magsasama-sama sa Truth Commission para bumusisi sa pork barrel scam na kinasasangkutan diumano ng sangkatutak na tongresman este mali kongresista pala at ilang senador?’ tanong ng kuwagong mapagsamantala.

‘Kailangan pa ba ang referendum dito kung sinu-sino sila?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ang sangkot este mali ang bubuo ng special body ay mataas ang kredibilidad at integridad. At siempre iyong walang papaburan at kapani-paniwala sa madlang people ang kanilang decision making!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, helong- helo este mali litung - lito na ang madlang public sa mga naglabasan pangalan ng mga kongresista, Senador, public officials na sinasabing kawatan este mali kasabwat pala ni Janet Lim Napoles sa usapin ng P10 billion pork barrel anomaly?

Totoo ba talaga ang nasa listahan o may gumugulo lang?

Sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang kahapon hawak ng DOJ ang list ni pito blower este whistle-blower pala Benhur Luy matagal na ito kaya tuloy ang public opinion mukhang hindi na sumasakay o nagtitiwala todits.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, laglag na sa mata ng madlang people ang Senado at Kongreso kaya hindi na siguro sila paniniwalaan para imbestigahan pa ang nasabing anomaly dahil bukod sa alaw silang prosecutorial power ay may mga diumano’y sabit din sa kanila?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan bumuo ng Truth Commission na hindi mangongo-misyon? Ito ay  para bigyan linaw ang mga bintang upang maging patas ito sa lahat ng sinasabing mga akusado.

Naku ha!

Mukhang matagal ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga maimpluwensiyang nilalang ni Lord ang sinasabing gumagamit kay Napoles para sa 2016 este mali guluhin pala ang imbestigayon?

Totoo kaya ito?

‘Sino kaya ang  mga ‘magician’ sa usapin ito para gaguhin este mali guluhin pala at itago ang katotohanan?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

ESTE

KUYANG BIYONG

MALI

SABI

TOTOO

TRUTH COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with