‘Escort service’
IMPORTANTE sa mga magulang na nagagabayan at nababantayan ang kanilang mga anak.
Marami ang nag-aakala na kapag 18 o 19-anyos pataas na ang kanilang anak, alam na nila ang kanilang desisyon at pinaggagawa. Alam na nila kung ano ang tama o mali at kung ano ang mga labag sa batas o hindi. Sa salitang English, mayroon na silang “discernment.â€
Subalit, hindi lahat ng discernment, tama. Maaaring mali o baluktot, depende sa kanilang sinasamahan at binabarkada.
Lalo na sa panahon ngayon kung saan mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, mahalagang matutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak, mabigyan ng sapat na atensyon at magkaroon ng matibay na ugnayan at relasyon.
Ito ang sentro ng aking programang BITAG Live kahapon sa radyo at telebisyon.
Nitong nakaraang araw, lumapit sa BITAG T3 ang 18-anyos na si “Nicole,†biktima ng umano’y modus na ang target, mga estudyanteng babae na nangangailangan ng perang pang-enroll.
Ang estilo ng modus, pinag-aaralan at kinakaibigan ng suspek ang kanilang bibiktimahin. Ang tanging nag-uugnay sa kanila, kasalatan at pangangailangan ng biktima.
Sa loob ng apat na araw na walang-puknat na pakikipag-usap ng babaeng suspek kay Nicole sa Facebook, nakuha niya ang loob nito at naengganyong mag-modelo kuno. Para mukhang lehitimo ang alok, pinagpasa nito si Nicole ng hubad niyang litrato.
Sa madaling sabi, “ibebenta†siya sa mga kliyente nitong pulitiko at negosyante. Ang presyuhan, nag-uumpisa sa P5,000 hanggang P35,000.
Dahil sa kabubutan, napapayag ng suspek si Nicole. Ang usapan ng bayaran, online banking na lang daw.
Pero, makalipas ang ilang araw, ang napag-usapang P35,000 napurnada. Si Nicole pa ngayon ang binabantaan at hinihingan ng suspek ng P5,000 para daw hindi ilabas sa Facebook ang hubad niyang litrato.
Siya na ang “nagamit,†siya na ang naloko at hindi binaÂyaran, siya pa ngayon ang hiniÂhingan ng pera.
Hindi na bago ang ganitong sistema o “bentahan.†Taong 2006 pa, aktuwal nang naidokumento ng BITAG ang mga escort service o mga estudyante sa isang prestiheyosong unibersidad sa Maynila.
Ito yung mga kolehiyala na sa bihis palang mababasa nang anak ng mga mayayaman, hindi salat sa pangangailangan kundi salat sa atensyon at pagmaÂmahal ng magulang.
Para mapanatili ang kaÂnilang reputasyon, matustusan ang luho at pangangailangan, piÂnaÂsok nila ang escort serÂvicing para sa mga malalaking negosyante at pulitiko.
Kaya, pinapaalalahanan ng BITAG Live ang mga magulang partikular ang overseas Filipino workers (OFW) at mga laging abala sa trabaho, bantayan ninyo ang inyong mga anak.
Mahalagang nakakausap ninyo sila araw-araw. Hindi na pinag-uusapan dito ang distansya at estado ng inyong pamumuhay. Ang mahalaga, naipaparamdam ninyo sa inyong mga anak ang inyong atensyon at pagmamahal.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest