^

PSN Opinyon

‘Brusko Brothers’ (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ISA ang nadakip, dalawa ang kinanta...

Tatlong pangalan ang lumabas na may kinalaman sa brutal na pagpatay kay Greg, sina Fillip Azreen Abejuel alyas “Nonoy” at magkapatid na Arvie aka “Marby” Marquina at Oliver Marquina, mga magbabarkada umano.

NUNG Miyerkules, isinulat namin ang sinapit ni SPO3 Graciano Delosata mas kilala sa tawag na Greg—Pulis ng Pasig-PNP, Eastern Police District PS2. Nahagip sa Closed Circuit Television o CCTV footage ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari… Ayon sa anak ni Greg na si “CJ”, isa na nakapanuod ng video clip. Kita sa CCTV na 4:00AM pa lang umaaligid na sa E. Jacinto St., sina Arvie lulan ng motor na ‘skeleton’ habang angkas itong si Nonoy.

Kapansin-pansin umanong nagpapalit-palit ng damit ang dalawa.

“Kahit naman mag-iba sila ng damit mamumukaan mo talaga. Alam kong si Arvie yun. Kababata ko halos yun at dati kong kagrupo sa sayawan. Si Filip minsan ng tinuro ni Daddy na snatcher daw sa palengke,” wika ni CJ.

Bandang 6:20AM dumating ulit ang dalawa lulan ng nasabing motor. Una na raw nakadaan nun ang ama. Himinto sa kanto ng E. Jacinto St., ang motor at bumaba ang angkas na si Nonoy at mabilis daw na umalis ang motor at umikot palabas ng V. Luna St.,

“Pauwi na ng bahay ang Daddy, mapapansin sa video na lumingon siya na parang may tumawag sa kanya at bumalik siya,” sabi ni CJ.

Lumabas na lang umano bigla itong si Arvie at pinagbabaril ang ama. Nang dumapa na si Greg, binaril pa rin ito.  Sa kopya ng Anatomical Sketch ng biktima anim na tama ang kanyang tinamo. Isa sa kaliwang baga, dalawa sa kanang ipaypay, isa sa kanang pigi, isa sa kaliwang puwet at tama sa kaliwang batok.

Nahuli itong si Nonoy, matapos makilala ng mismo ng pulis ng Caniogan, Pasig na si PO2 Joeh Sauro Ticoy-- isa sa mga ‘arresting officers’.

Base sa salaysay ni PO2 Ticoy na kanyang ibinigay kay SPO1 Fernan P. Clemente sa Pulisya ng Caniogan, Pasig nung ika-23 ng Desyembre 2013: Nakunan sa CCTV ang pagpatay kay SPO3 Delosata, at kanyang itong napanuod. Nakilala niya ang suspek na si Filip alyas Nonoy. Isang snatcher sa palengke na dati na raw niyang kilala.

Hinanap nila si Nonoy at pumunta sa mga lugar na pwede itong matunton. May nakapagsabi sa kanilang tumutuloy si Nonoy sa kapatid nito sa Peralta Cmpd., San Miguel Pasig at pupunta ito ng Pinagbuhatan. Inabangan nila si Nonoy sa kanto ng Mercedez Avenue. Agad nilang dinakip ang suspek na noo’y kababa lang lulan ng traysikel. Agad siyang dinala sa kanilang istasyon.

“Inamin niya ang kanyang kasamang pumatay at driver ng motorcycle na si Arvie Marquina at ang mastermind ay si Oliver Marquina. Finollow-up naming silang dalawa pero wala na sila, nagtago na,” –laman ng salaysay.

Nagkaroon ng pagdinig ng kaso sa Prosecutor’s Office, Pasig City. Hindi nagpakita ang dalawang magkapatid na Marquina.

Ayon sa ginawang pag-iimbestiga ng mga pulis, nagsimula ang galit ng magkapatid na Marquina kay Greg ng makasuhan ang magkapatid nung taong 2007 dahil sa droga Violation of Section 5, 6,11 and 12 Article II Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Act). Naghuli raw mismo sa loob ng kanilang bahay ang droga. Nahuli ang mga suspek na si Oliver kasama ang tiyuhin at kapatid nito. Dahil tauhan ni Greg ang nag-raid sa bahay ng Marquina inakala daw nitong siya ang nag-utos.

Ayon naman sa asawa ni Greg na si ‘Janet’, hindi kasama ang mister niya ng gawin ang raid ng mga kapulisan.

“Syempre iisipin nila asawa ko nagpakilos. Kasi parehong taon namatay ang tatay ni Greg, yung mga pulis na kasama sa operation nakiramay sa burol,” ayon kay Janet.

Alam daw nilang nagtanim ng galit sina Oliver sa asawa.

Dagdag pa nila Janet, bago mangyari ang pananambang sa mister, nakakatanggap na raw ito ng banta sa kanyang buhay.

“Maharil alam ng asawa ko na ipapatira na siya ng magkapatid pero mas inisip ng asawa kong hindi magagawa sa kanya iyon dahil ang ama nila ay kumpareng buo ng mister ko,” ani Janet.

Ika-11 ng Pebrero 2014, inilabas ang resolusyon ng kasong MURDER na sinampa laban sa magkapatid na Marquina. Nakitaan ni Asst. City Prosecutor Nancy Gironella-Peig ng ‘probable cause’ ang kaso para maikayat ito sa Korte.

Ika- 28 ng Pebrero taong kasalukuyan, nagbaba ng ‘order of arrest’/ si Presiding Judge Danilo Cruz ng Regional Trial Court, Branch 152-Pasig City para sa magkapatid na Oliver Marquina at Marby Marquina a.k.a Arvie Marquina para sa kasong MURDER, NO BAIL RECOMMENDED.

Sa ngayon pinaghahanap pa rin ang magkapatid. Mula ng mangyari ang pagpatay kay SPO3 Delosata nagtatago na ang mga ito.

Kahilingan ng asawa ng biyudang si Janet, maisulat namin ang sinapit ng mister kasama ang mga larawan ng magkapatid na wanted para tulungan silang maipahuli ang Marquina Bro­thers na ito.

Itinampok namin sina CJ at Janet sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon na rin kina Janet itong magkapatid na Marquina ay ang apo ng dating pulis na si Chief Insp. Francisco Marquina na pumanaw na. Ang taong ito ay naging malapit sa akin nung nasa crime beat ako nung mga taong 1991-1993 sa ‘Hotline sa 13’. “Kiko” ang tawag namin sa kanya at siya’y naka-‘assign’ sa Pasig-PNP. Isang napakabait at napagaling na pulis at imbestigador. Hindi ko malaman kung anong nangyari sa mga apo niya at nawalay ng landas.

  Sa mga nakakilala sa magkapatid na Marquina at may impormasyon kayo sa kanilang kinaroroonan, maaaring makipag-ugnayan lang sa aming tanggapan.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

ARVIE

ARVIE MARQUINA

GREG

MAGKAPATID

MARQUINA

NONOY

OLIVER MARQUINA

PASIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with