^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May taga-BIR kaya na hindi nagbabayad ng tax?

Pilipino Star Ngayon

MARAMING propesyunal pala ang hindi nagbabayad ng tax o kung nagbabayad man, dinadaya. Kaya naman pala ganito ang nangyayari sa bansa na laging kinakapos sa budget at walang magastos para sa serbisyo-publiko. Kabilang sa mga propesyunal na tinukoy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nagbabayad ng tax at nandadaya ay mga doktor at accountant. Gaano karaming doktor at accountant sa bansa ang hindi nagbabayad ng tax? Marami, ayon sa BIR. Tanong lang, gaano naman kaya karaming propesyunal sa BIR ang nagbabayad ng tamang buwis? Maraming taga-BIR ang kumikita rin ng limpak pero hindi kaya pasanin din sila ng mamamayan?

Sa isang paid advertisement ng BIR noong Marso sa mga pahayagan, ipinakita na pasan ng guro ang isang doktor. Ito ay upang ipaalam sa taumbayan na mas malaki pa ang ibinabayad na tax ng mga guro kaysa sa mga doctor na kumikita nang limpak. Sa kabila na maliit ang kinikita ng mga guro, nagbayad sila nang tamang tax samantalang ang mga doctor ay hindi nagbabayad at kung may nagbabayad iyon ay dinaya. Ayon sa isang report, sa kabila na maraming doctor sa Makati City, mabibilang lamang ang nagbabayad ng tax at iyon ay dinaya pa. Umalma naman ang samahan ng mga doctor sa paid advertisement. Bakit sila raw ang nakita ng BIR gayung may mga propesyunal pang kumikita nang limpak.

Pero sabi ng BIR, hindi naman daw dapat maga­lit ang mga doctor. Siguro raw ang mga nagagalit ay yung tinamaan. Kung ang isang doctor daw ay nagbabayad nang tamang tax, wala silang dapat ikabahala. Ang sabi pa ng BIR, basta magbayad ng tax walang magiging problema.

Pero pati pala mga accountant ay pinapasan din ng mga guro. Matindi ang natuklasan ng BIR sapagkat ang isang accountant sa Makati na kumikita ng P810,100 ay nagbayad lamang ng P313 para sa tax. At meron din na isang accountant na kumita ng P1.31 million noong 2012 ay nagbayad lamang ng P1,361 sa tax.

Marami pang propesyunal ang tiyak na hindi nagbabayad ng tax at kung nagbabayad man ay dinadaya pa. Nararapat na magsumikap pa ang BIR na tukuyin ang iba pang propesyunal na gaya ng abogado, arkitekto, inhenyero, at ganundin ang mga propesyunal sa BIR mismo na nagho-“hokus-pokus” sa pagbabayad ng tax.

BIR

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

MAKATI CITY

MARAMI

NAGBABAYAD

PERO

PROPESYUNAL

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with