^

PSN Opinyon

‘Metro’ man

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ITINALING kumot sa magkabilang rehas ng selda. Ito ang naghintay na higaan para kay ‘Rudy’ na kanyang tinawag na… “SPIDER”.

“Naranasan ko ng maging ‘Spiderman’, nakatikim din ako sa mga preso. Pinadapa ako at pinalo makapal na balila sa magkabilang hita. Talaga namang nanigas ako sa sakit!” kwento ni Rudy sa naging karanasan niya nung minsang makulong sa presinto ng GMA, Cavite.

Nang dahil sa nakaw na kalakal ng mga metro ng tubig nahaharap ngayon sa kasong Violation of PD 1612 o Anti Fencing Law ang 62 anyons na si Rodolfo “Rudy” Merida taga Cavite.

Matagal ng karpintero si Rudy. Ito ang pinangtustos niya sa asawa at limang anak. Nang mag-edad 54 anyos si Rudy tumigil siya sa pagkokonstraksyon at naisipang magtayo ng maliit na ‘junkshop’ nung taong 2006.

“Tinatablan na ko ng pagod ‘di gaya dati nung kalakasan ko,” ani Rudy.

Sa isang lote sa Brgy. De Las Alas, GMA Cavite siya unang nagtayo. Kumikita siya dito ng P300-P500 kada araw. Siyam na buwan lang ang tinagal ng kanyang junkshop dahil ginamit na ng may-ari ang loteng inupahan niya.

Nangupahang muli ng maliit na junkshop si Rudy sa kabilang barangay sa Ramon Cruz nung buwang ng Hunyo 2007. Halagang P1,200 ang upa niya dito.

Sa Lote may maliit na kubo na may sukat na 2x3 meters. Pinalibutan niya ito ng halaman na may kaunting alambre na nagsisilbi na raw bakod.

Ika-9 ng Agosto 2007, bandang 8:00 ng umaga. Kakabukas pa lang ni Rudy ng junkshop…nagpapakulo pa lang siya ng tubig para sa kanyang mainit na kape ng dumating ang tatlong binata. Ang dalawa sa menor de edad habang nasa edad 19 anyos naman daw ang isa. Mga nangangalakal sa kanilang lugar.

Bitbit ang sako ng bigas, ipinasok ng tatlo ang kanilang kalakal.

“Kuya magbebenta kami…” sabay labas daw ng mga metro ng tubig.     

Tumanggi raw siyang bilhin ang mga metro. Nakiusap daw ang mga ito na iwan muna ang sako sa loob ng shop at maghahanap sila ng ‘buyer’.

“Mabilis ang pangyayari… papungas-pungas pa ako nun. Sinabi ko na lang ‘Sige…’ at iniwan nila yung sako sa tapat ng mesa ko,” ani Rudy.

Paglabas ng tatlo, wala pang limang minuto isang tanod ng Brgy. Ramon Cruz ang dumating na noo’y bitbit na ang dalawang mangangalakal.

“Anong binenta ng mga batang ito?” tanong ng tanod.

Mabilis na sagot ni Rudy, “Wala pa po akong binibili…” ani Rudy sabay alis daw ng tanod. Maya-maya siyang dating naman ng kanyang kumpareng taga barangay rin na si “Paeng”--- kapatid daw ng kanilang kapitan. “Pre, may nagdala ba ng metro ng tubig dito ba mga kabataan?” panimula ni Paeng.

Sinabi ni Rudy na meron, sabay turo sa sako nasa loob ng kanyang junkshop. “Ikaw na bahala magparating kay kapitan,” sabi pa daw ni Rudy Ilang sandali pa ang kapitan mismo na si Archie Sambrano ang dumating sa shop. Tinuro niya ang sako at agad naman niyang kinuha ito.

“Rudy kapag may darating na patrol sumama ka na lang,” bilin ni Kap.

Naghintay si Rudy subalit 9:00 pasado na wala pa siyang sundo kaya’t siya na raw mismo ang nagpunta sa brgy. Nasa labas pa lang siya naabutan na niya ang mobile. Dun siya nanatili at hinintay pa niya ang dalawang batang nahuli.

Pagbalik ng dalawa, umandar na ang mobile at diniresto sila sa Presinto ng GMA, Cavite. Tinanong ang pangalan ni Rudy, tirahan at agad siyang kinulong.

“Wala nga pong nagpaalam sa asawa kong nakulong na ako,” ani Rudy.

Kinabukasan dinala na siya sa Prosecutor’s Office ng mga pulis at ini-inquest para sa kasong Anti-Fencing sa pagbili niya raw ng nakaw na metro ng tubig.

Labing apat na araw nakulong sa Presinto si Rudy bago nakapagpiyansa ng Php5,000 matapos makapag-‘motion to reduce bail’. Dinala sa DSWD ang dalawang menor de edad na nagbenta ng mga metro.

Nagkaroon ng pagdinig ng kaso. Nagbigay ng mga salaysay ang mga tanod at mismong kapitan ng brgy. Base sa salaysay ni Kap Archie Sambrano, tinawagan siya ni Willy Lozada, Bantay Bayan hinggil sa nakarating na ulat na bumibili ng nakaw na metro ng tubig si Rudy, may-ari ng junkshop.

Agad rumisponde si Willy sa junkshop at tinanong ang tungkol sa nakaw na metro. Itinuro ni Rudy sa loob kung saan nakatambak sa mga kalakal na nabili. Nakita ang 13 piraso ng metro. Inimbitahan si Rudy sa Brgy.

Habang naroon si. Rudy, dumating ang mga residente ng iba’t ibang brgy. na sakop ng GMA at inireklamo ang pagkawala ng kanilang metro ng tubig.

Sinuportahan naman ng salaysay ni Willy Lozada na galing sa junkshop ni Rudy ang mga batang umano’y nagnakaw ng metor. “…namin ang mga ito sa pangatlong eskinita mula sa junkshop ni Rudy…mabilis na tumakbo palayo ang isa samantala ang dalawa… mabilis na umamin na sila ang nagdala ng nasabing metro ng tubig kay Rodolfo.”---laman ng salaysay.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis nalamang ang metro ay ang meter mechanic ng GMA Water District ng mga residente ng Pob.1 at Pob. 2 ng GMA, Cavite.

Ika-4 ng Marso 2014, nagbaba ng desisyon si Presiding Judge Josielyn Lara-De Luna ng Carmona, Cavite.

Dahil nakita sa loob ng kanyang junkshop ang mga nakaw na metro ng tubig nahatulan ng 1 taon at isang araw aresto mayor hanggang tatlong taon hanggang anim na buwan at 21 araw (prision correccional) si Rudy para sa kasong PD1612 o Violation of Anti-Fencing Law. Maliban dito kinakailangan niyang magbayad ng halagang Php11, 286 sa GMA Water District para sa siyam na metro na P1,254 ang halaga bawat isa.

“Hindi ko naman binili ang metro mga bote, diaryo, plastic na cibak (malutong) at bakal lang na kalakal lang ang binibili ko,” paliwanag ni Rudy.

Gustong malaman ni Rudy ang legal na hakbang maaari niya pang gawin kaya’t nagsadya siya sa amin. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nang dalhin kay Rudy ng ang metro ng tubig ng mga menor de edad dun pa lang dapat nagduda na siya dahil paano naman makakakuha ng mga metro ng tubig ang mga batang ito kundi iligal o nakaw? Hindi maganda ang kinalalagyan nitong si Rudy sa kanyang kaso. Maswerte pa rin siya at sa isang insidente lang nangyari ang pagbenta sa kanya ng mga metro dahil kundi, kung ilan ng metro ay ang dami rin ng “counts” ng kasong ‘Anti-Fencing’ ang kakaharapin niya. Dahil below 6 years ang penalty sa kaso niya, pinayuhan namin siya na bumalik sa kanyang abogado at sabihing mag- ‘plea bargaining’ na lamang at mag-apply siya for ‘probation’, kung ito ang unang beses siyang nagkakaso. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 0919897285

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

CAVITE

JUNKSHOP

LANG

METRO

NIYA

RUDY

SIYA

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with