^

PSN Opinyon

Bakit may buwis?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HABANG tila patuloy na kinukulit ng BIR si People’s Champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na magbayad ng P3 bilyong buwis, sari-saring opinion ang nagsusulputan.

Anang iba – “Kawawang Pacman!” May networth na isa’t kalahating bilyong piso pero sinisingil siya ng ganyan kalaki! Sabi naman ng iba, dapat lang daw  siyang magbayad. Ayaw ko munang pumanig maski kanino dahil hindi naman natin alam ang buong rason kung bakit sinisingil siya nang ganyan kalaki.

Importante ang buwis sa pag-unlad ng kabuhayan. Gamit ito sa paghahatid ng mga kinakailangang serbisyo. Pero kung ang malaking bahagi ng tax ay maibubulsa ng mga magnanakaw sa pamahalaan, ibang usapan iyan! Ayon kay dating Manila councilor Greco Belgica, hindi mapaghihiwalay ang buwis at ang pagpapaunlad sa ekonomiya. Pero ang mga regulasyon aniya ay sumisikil sa taumbayan mismo lalu na kung ang karaniwang tao ay nagsisikap umangat ang kalagayan sa buhay. Si Greco ay may advocacy hinggil sa “flat tax” na sampung porysento lang at wala nang ibang babayaran pa ang mga income earners.

Hindi pa rin nahahango sa kahirapan ang mga kababayan natin habang yung mga mayayaman at may matataas na posisyon sa gobyerno ay lalung yumayaman gayung sobra-sobra ang tax na sinisingil ng pamahalaan. Nakapasan sa balikat ng mga aba ang sobrang buwis. “There can be no economic progress with excessive government taxes and requirements. Resources both natural and paper/money ought to be with people not government” ani Greco, bagay na sinasang-ayunan ko.

Sa kasalukuyan, lahat ng negosyo ay kontrolado ng pamahalaan. “There has never been a nation in history that was made great by governments. In the contrary, the poorest people are found in nations where private enterprise, natural resources, money are controlled largely by government” dagdag ni Greco.

Habang sobra-sobra ang sinisingil na buwis, lumiliit lalu ang perang hawak ng mamamayan pero lalu namang nagiging “paldo” ang mga opisyal sa gobyerno at ang kanilang mga crony.

Ang tanong: Papayag kaya ang mga “hari” sa pamahalaan na mabawasan ang hawak nilang pera at mailagay sa kamay ng ordinaryong tao? Sayang, hindi lumusot sa Senado itong si Greco para maipaglaban niya ang kanyang adbokasya.

ANANG

AYAW

GRECO BELGICA

KAWAWANG PACMAN

PERO

SARANGANI REP

SI GRECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with