^

PSN Opinyon

EDITORYAL - No. 3

Pilipino Star Ngayon

Pangtatlo ang Pilipinas sa mga bansang walang pakundangang patayin ang mga mamamahayag at hindi na nalulutas ang pagpatay. May ilang naarestong gunman pero ang “utak” sa pagpatay ay nananatiling misteryo at ang mga kaanak ng pinatay ay uhaw na uhaw sa hustisya. Hindi nila alam kung malulutas pa ang pagpatay o ibabaon na lamang sa limot at isasama sa tambak ng kaso.

Ayon sa New York-based watchdog Committee to Protect Journalists (CPJ), pangtatlo ang Pilipinas sa worst country na pinapatay ang mga mamamahayag at hindi na ito naso-solved. Noong nakaraang taon (2013), 51 mamamahayag ang pinatay at wala pang nalulutas kahit isa. Noong Enero 2011, pinatay ang broadcaster-environmentalist na si Gerrry Ortega habang nasa palengke. Naaresto ang gunman subalit hanggang sa kasalukuyan ang mga “utak” sa pagpatay ay nananatiling malaya. Magkapatid na pulitiko ang “utak” umano sa pagpatay at nakalabas na ng bansa.

Kamakailan, isang babaing journalist ang pinatay sa Cavite. Binaril si Ruby Garcia habang nasa harap ng kanyang bahay. May hinuling suspect suba­lit pinakawalan dahil hindi tumugma sa deskripsiyon ng witness. Umano’y isang police official ang nasa likod ng pagpatay ganunman, itinanggi nito ang paratang. Nailibing na si Garcia noong nakaraang linggo at dahil sa kabagalan ng pag-usad ng kaso, maaaring mapasama ang kanyang kaso sa mga ililibing din sa limot.

Panglimang taon nang laging nasa pangtatlo ang ranking ng Pilipinas sa mga bansang pinapatay ang mamamahayag at hindi nalulutas. Nangunguna naman ang Iraq (100 ang pinatay noong 2013) at pumapangalawa ang Somalia (26). Pang-apat ang Sri Lanka (9), sumunod ang Syria (7), Afghanistan (5), Mexico (16), Colombia (6), Pakistan (22), Russia (14), Brazil (9), Nigeria (5) at India (7).

Pinaka-karumal-dumal ang pagpatay sa mga mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009 kung saan 30 ang pinatay sa tinaguriang Maguindanao massacre. Hanggang ngayon wala pang kinahihinatnan ang kaso.

Dahil sa mga nangyayaring pagpatay, hindi makumbinsi ang nakararami sa sinabi ng Aquino administration na wala nang impunity sa Pilipinas. Sabi ni President Aquino noong Nobyembre 2013, wawakasan na ang mga pagpatay sa mamamahayag. Mula nang sabihin ito ng Presidente, lima na ang nadagdag sa mga mamamahayag na pinatay mula Nobyembre 2013 hanggang Abril 2014.

Kailan ito matatapos at kailan mahuhuli ang mga “utak” sa nangyaring pagpatay?

 

GERRRY ORTEGA

MAMAMAHAYAG

NEW YORK

NOBYEMBRE

NOONG ENERO

PAGPATAY

PILIPINAS

PINATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with