^

PSN Opinyon

Lucila Dulcero!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT kumilos si LTFRB chairman Atty. Winston Ginez sa sindikato ng fake taxi franchise na kumukubra ng mil­yones sa taxi operators. Maraming reklamo na isinampa laban kay Lucila Dulcero, may-ari ng Luzhcy taximeter na may opisina sa Bgy. Piñahan, na sa labas lang ng LTFRB office, subalit hanggang ngayon, nag-ooperate pa siya. Ayon sa sumbong, si Dulcero ay nagbebenta ng fake taxi franchise sa halagang P120,000 at sa UV Express naman ay P160,000. Kapag natuklasan ng taxi operators na peke ang mga iniabot ni Dulcero na dokumento sa kanila, binabawi nila ang pera subalit lumutang-dili ito sa kanyang opisina. Kaya karamihan sa taxi operators sa korte na lang tumutungo para makubrang muli ang kanilang pitsa. At ang mga kaso ni Dulcero ay nakarating na kay Ginez, subalit hanggang ngayon, hindi pa siya kumikilos para matuldukan ang raket nito sa LTFRB. Bakit kaya bagyo si Dulcero sa opisina ni Ginez? Magkano kaya? Tiyak may kakampi si Dulcero sa LTFRB kaya hindi magalaw kahit maraming nabibiktima.

Si Dulcero ang isa sa tatlong nilalang na binasbasan ng LTFRB na makialam sa negosyo ng taxi. Halimbawa, kapag bago ang taxi mo, dun sa Luzhcy taximeter ka magpapakabit ng metro. Pati accessories ng taxi tulad ng top light, lettering, kumpuni at spare parts ng metro kay Dulcero ka lalapit kasama ang dalawa pang kasamahan sa negosyo. Pati resealing ng metro kada dalawang taon, sa kanila ka lalapit. Kaya ang negosyo ni Dulcero ay tumatabo nang maganda sa LTFRB at hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang pumasok sa ilegal e tuloy-tuloy naman ang tulo ng gripo sa bulsa niya.

Ang hindi malaman ng taxi operators ay kung bakit hindi ang LTFRB ang mag-imbestiga kay Dulcero. Kasi nga, ang ginagawa ni Ginez pinapasa lang sa DOTC action center ang complaints nila kay Dulcero. Sa DOTC, wala kang aasahan dahil aabutin ng siyam-siyam ang reklamo mo bago sila kumilos. Baka sobrang abala si Ginez sa trabaho kaya hindi niya maaksiyunan ang mga reklamo kay Dulcero? O baka naman may magandang relasyon sina Ginez at Dulcero? Maraming katanungan na si LTFRB chair Ginez lang ang makasasagot. Para hindi siya maakusahan na pinoprotektahan si Dulcero, dapat kanselahin niya ang accreditation ng Luzhcy taximeter para matuldukan ang ilegal na gawain nito. Abangan!

 

DULCERO

GINEZ

KAYA

LTFRB

LUCILA DULCERO

LUZHCY

MARAMING

PATI

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with