Sakit ng lipunan
Malubha ang sakit ng ating lipunan
Mga pulitiko ay nagpapayaman;
Paggawa ng batas kinalilimutan
Habang winawaldas ang pera ng bayan!
Mga negosyante ay lubhang masakim
Anim na buwan lang bigay na employment;
Ang dapat ibigay trabahong permanent
Upang sa serbisyo ay may retirement pay!
Mga magsasaka ay lalong kawawa
Sinasaka nila’y kapirasong lupa;
Namamatay sila na walang kalinga
Buhat sa may-ari ng matabang lupa!
Mga enhinyerong nagsunog ng kilay
Sa araw at gabi grasa ang karamay;
Ang trabaho nila na pinaghuhusay
Ay hindi na-promote hanggang sa namatay!
Mga bus driver na dahil sa hirap
Problema sa bahay sa kalye’y kaladkad;
Inaantok sila at lasing sa alak
Passengers at sila’y sa bangin nautas!
Mga bago’t dating nasa kapulisan
Mga kasa’t droga ang sinasalakay;
Pag-report sa hepe ay naghahatian
Kaya bankarote ang kaban ng bayan!
Mga kabataang ngayo’y nag-aaral
Ang pangarap nila ay mabuting buhay;
Subali’t kaiba naging paaralan
May bisyo’t may droga – titser at prinsipal!
- Latest