^

PSN Opinyon

Dayaan bolahan sa Batangas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GRABE sa sindikato ang mga politikong pulpol dyan sa Batangas dahil ang karamihan sa mga ito ay patong o nakapayong sa jueteng operation na pinatatakbo ng isang alyas Anna, anak ni Roger ‘duling na natigok ng wala sa oras.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasama sa pagpapatakbo ng jueteng operation ni alyas Anna ang kanyang sweetheart na isang alyas Ryan, na nagpapanggap ng media - mediahan sa Batangas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magkasabwat sina Ryan at Toper sa pag-deliver ng ‘padulas’ sa mga miembro ng foolish cop sa Batangas, sa mga kamoteng rakpadudels ng CIDG at sa mga tiwaling opisyal sa Region 4 - A kaya naman ang dayaan bolahan ng syota niyang si Anna ay subok na matibay at subok na matatag sa probinsiya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P1.5 million ang engreso ni Anna everyday mula sa jueteng operation niya panapon ang 80% kita sa lahat ng mga kurap na LGU’s at foolish cops na nakapatong sa dayaan bolahan nito.

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Ryan, syota ni Anna ay from Rosario Batangas, ito raw ang kolektor o taga - bigay ng salapi diumano para sa NBI, PNP - CIDG, local at sa Region 4 - A?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Pakibusisi nga ito NBI director Mendez, CIDG director Magalong, mga Sirs dahil kung pababayaan ninyo ang ganitong kuento tiyak kayo rin ang masisira. Tama ba, SILG Mar Roxas, Your Honor?

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi lamang sa Lipa City naka-tirik ang jueteng operation ng mag-syotang Ryan at Anna kundi maging sa Taal, Lemery, Rosario at Tanuan ay binobolahan din nila dahil malakas at hindi birong magbigay ng salapi si Anna sa mga foolish cop na patong dito.

Sabi nga, si Anna, ang ‘godmother’ ng jueteng sa Batangas!

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nakapayong at nagbibigay ng proteksyon sa jueteng operation ni Anna na ang ilang ay miembro pa ng ‘onse-hal’ at mga burongoy kupitan sa kanilang bayan ay sina alyas Jerry ng Barangay Bulbok, alyas Ronald ‘kano’ ng Antipolo, alyas Makoy, alyas Joel ‘upuan’, Jay ‘saet’, alyas Carling ng Bulacnin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang napapalusutan ni Anna ang ibang matitinong opisyal sa mga bayan na may dayaan bolahan ito o sadya lamang mga nagbubulag-bulagan ang iba sa kanila kaya ito umalagwa.

‘Ano kaya ang masasabi dito ni Mayor Sabili?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

3 - cock derby ni Kuyang Biyong bukas na

TOMORROW (April 11), magkakaalaman na kung sino ang magwawagi sa 3 cock derby ni Atty. Biyong Garing dyan sa Victoria Cockpit Arena, sa Victoria, Oriental Mindoro.

Sabi nga, hindi biro ang premyo sa dami ng maglalaban!

Puede pang humabol bukas bago mananghali ang lalahok sa pasabong ni Kuyang Biyong.

Para sa magwawagi ‘congratulation’ at sa matatalo sa sabong ‘better luck next time!’ Hehehe.

vuukle comment

ALYAS

ANNA

ASSET

AYON

BATANGAS

KUYANG BIYONG

RYAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with