Kawatang senadores isakdal nang lahat
NAKAKAIYAK ang statistics na nilabas ng Ombudsman tungkol sa pork barrel plunder. Lumalabas na sa kabuoang pork barrel nu’ng 2007-2009 ng tatlong sakdal na senadores, kalahati-pataas ang naging kickback. Ito ang table:
SENADOR KABUOAN KICKBACK PERCENTAGE
Juan Ponce Enrile P342m P172m 50%
Jinggoy Estrada P232m P183m 79%
Bong Revilla P515m P242m 46%
Batid natin na paratang pa lamang ang mga ito. DaÂpat ipagpalagay na inosente ang tatlong senadores, hanggat’t hindi napapatunayang guilty. Pero kung gan’un talaga kalaki ang halagang maaring kulimbatin ng isang halal na pinuno, aba’y dapat lang tugisin na silang lahat.
Sa bulsa lang pala nila napunta ang dapat na ginugol sa pakain, patrabaho, paaral, pagamot, at pabahay para sa maralita. Sila ang dahilan kung bakit kapos ang pera ng bansa para sa disaster rescue, relief, at rehab. Sila ang dahilan kung bakit nananatiling hikahos ang kanayunan, kaya nagrerebelde ang mga Moro at komunista. Sila ang dahilan ng kakapusan ng budget para ipagtanggol ang bansa laban sa nang-aagaw ng teritoryo.
Napabalita na ang mga magulang ng dalawang sakÂdal, sina dating Senadores Loi Ejercito at Ramon Revilla, ay nambulsa rin ng pork barrel. Kung gay’un isakdal na rin sila.
Napabalita rin ang iba pang kasalukuyang senadores: Tito Sotto at Gringo Honasan. Nariyan din ang 188 dati at kasalukuyang kongresista, karamihan ka-partido Liberal ni President Noynoy Aquino. Isakdal na!
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest