^

PSN Opinyon

Malaysian, Indonesia naval forces ’di-mapagkatiwalaan!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MULING umatake ang mga sinasabing Abu Sayyaf  terrorist group at dinukot ang isang Chinese tourist at isang Filipina hotel worker sa Singamata Resort sa  Semporna, Sabah noong nagdaang Huwebes.

Pag may pangyayaring pagdukot na ganito agad-agad ang Abu Sayyaf ang tinuturong nasa likod ng kidnapping sa Western Mindanao.

Ngunit paano nga ba malayang nakakapuslit ang mga Abu Sayyaf na ito at sila ay hindi man lang namamalayan tuwing papasok sila ng Malaysian territory, partikular na sa Sabah?

Totoong porous at napakalawak  ang ating mga baybayin lalo na sa Western Mindanao. Ngunit bakit malayang nakakagalaw ang mga Abu Sayyaf sa area?

Minsan ko na ring nakapanayam ang ilang Malaysian Navy officials noong ako ay nasa Sandakan, Sabah ukol sa mga activities ng Abu Sayyaf. 

Inamin ng mga nasabing Malaysian officials na may mga tiwali rin silang mga kasama na nakipagsabwatan sa Navy officials din ng Indonesia sa pagsagawa ng illegal activities sa karagatan ng  magkakalapit nating  mga bansa.

Ang sabwatang  ito ng mga Malaysian at Indonesian naval officials ay ukol din daw sa ‘piracy in the high seas’ na nagaganap  na kung saan ang karaniwang biktima ay ang mga fishing vessels at iba pang barko na dumadaan sa nasabing karagatan.

Maliban sa pag-atake ng sea vessels, sangkot din daw ang mga Indonesia at Malaysian naval officials sa mga ginagawa ng Abu Sayyaf kaya malaya silang nakakagalaw at palipat-lipat ng isla.

Hindi na nakapagtataka kung bakit naging mapangahas ang Abu Sayyaf sa lagim na hinahasik nito lalo na sa mga biktima na dinudukot nila sa mga Malaysian resorts ng Sabah at sa karatig bansa nito gaya ng Indonesia at maging sa Pilipinas mismo.

ABU

ABU SAYYAF

MALAYSIAN NAVY

NGUNIT

SABAH

SAYYAF

SINGAMATA RESORT

WESTERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with