^

PSN Opinyon

Higit pitong buwan na ang lumipas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAGKALIPAS ng halos pitong buwan nang sumuko si Janet Lim Napoles sa Palasyo, ngayon lang naglabas ng Asset Preservation Order (APO) ang korte para sa lahat ng ari-arian ng pamilya Napoles, kasama ang asawa, anak, pati kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa mahanap ng mga otoridad. Hindi nila puwedeng ilabas ang kanilang pera, at hindi rin  puwedeng ibenta o isailalim sa anumang transaksyon ang mga ari-arian tulad ng bahay, lupa, condo, mga sasakyan, lahat. Sa madaling salita, “frozen” ang lahat ng pag-aaari ng pamilya Napoles.

Pero higit pitong buwan na ang lumipas mula nang sumuko. At ilang buwan nang iniipit si Janet Lim Napoles sa PDAF scam bago ito sumuko. Hindi naman kasama sa kaso ang kanyang asawa at mga anak. At malaya pa ang kapatid na pinaghahanap pa rin. Kaya lahat ay pare-pareho ang iniisip. May mahahawakan pa bang ari-arian ang gobyerno, kung ngayon lang naglabas ng APO? Sigurado lahat ng pera ay inilabas na mula sa mga banko nila. Baka kung saang lupalop ng mundo na nakatago. May mga pag-aari pa bang bahay, condo o lupa ang mga Napoles, o nasa pangalan na ng ibang mga tao? Ilang buwang nakaraan ay lumabas ang balita na binebenta ni Jeanne Napoles ang condo sa Amerika.

Dapat siguro isapubliko ang mga ari-arian ng mga Napoles na mahahawakan pa ng gobyerno habang nililitis ang kasong pandarambong laban sa kanya. Para makita ng tao kung may silbi pa nga ang nilabas ng korteng APO. Baka wala nang mahawakan ang gobyerno. Kung meron, baka barya-barya na lamang. Para magbigay ng paghahambing, ilang dekada ang lumipas bago may nakuha ang gobyerno sa yaman ng mga Marcos. Ganundin ba ang mangyayari sa yaman ng mga Napoles?

Laging dehado ang gobyerno sa ganitong mga sitwas­yon. Katulad na rin sa kaso nina dating heneral Carlos Garcia at Jacinto Ligot. Halos wala ring nakuha ang gobyerno, kumpara sa dami ng nakuha nila mula sa tao. Kung P10 bilyon ang nakuha ni Napoles sa PDAF scam, magkano na lang kaya ang mahahawakan ng gobyerno ngayon? At hindi pa nababanggit ang mga senador na kakasuhan na rin ng Sandiganbayan. Kung sakaling isailalim din sa APO ang kanilang estado, may makuha pa kaya? Ewan ko lang.

 

AMERIKA

ASSET PRESERVATION ORDER

CARLOS GARCIA

GOBYERNO

JACINTO LIGOT

JANET LIM NAPOLES

JEANNE NAPOLES

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with