EDITORYAL - Paalala: Mag-ingat sa sunog
MATINDI na ang init ng panahon na nararanasan at maaari pa raw tumindi sa pagpasok ng Abril. Dahil sa init, maraming nangyayaring sunog. Kahapon, isang sunog ang naganap sa Caloocan City at maraming nawalan ng tahaÂnan. Noong Martes, 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Litex Road, Bgy. Payatas. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan dahil gawa ang mga ito sa light materials. Nasa P5 milyon ang halaga ng sunog.
Noong nakaraang linggo, isang pamilya sa Malabon ang nasunog. Natagpuang magkaka-yakap ang mag-anak sa isang silid. Hinihinalang faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog. Bago ang sunog na iyon, may naganap ding sunog sa UST Hospital na ang pinagmulan ay napabayaang aircon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, mahigit 400 na ang naitalang sunog mula Enero hanggang Marso sa Metro Manila. Ang Marso ang tinaguriang “Fire Prevention Monthâ€.
Kung titindi pa ang init sa Abril, maaring magkaroon pa ng mga sunog. Sa ganitong sitwasyon, nararapat nang paigtingin ang pag-iingat sa sunog. Magkaroon pa ng puspusang pagpapaalala sa mamamayan ang BFP. Dapat imulat ang mamamayan sa tamang pag-iingat upang maiwasan ang sunog.
Laging ipaalala ang pag-check sa electrical appliances, LPG, at mga bagay na madaling sumiklab o magliyab gaya ng posporo, lighter at flammable liquids. I-check din ang mga airconditioner at mga electric fan. Linisin ang mga ito para hindi mag-overheat.
Magkaroon din naman ng pag-inspeksiyon sa mga building at establisimento para matiyak kung ang mga ito ay may fire exit. Ang kawalan ng fire exit ang dahilan kaya maraming namamatay. Isang halimbawa ay ang Ozone Disco na nasunog noong Marso 19, 1996 kung saan 160 ang namatay. Walang fire exit ang Ozone.
Huwag hayaang maulit ang malalagim na sunog gaya nang nangyari sa Ozone at iba pa. Isaisip sa tuwina ang pag-iingat.
- Latest