Ekonomiya lumago, pero marami pa ring gutom
HINDI na nakakagalak ang balita na lumago ang ekonomiya nang 7.2% gross domestic product nu’ng 2013. Kasi, ang karalitaan ay nanatili sa 26% ng populasyon, o isa sa bawat apat na Pilipino.
Ibig sabihin nito, mga negosyo lang at dati nang mayayaman ang kumita nu’ng nakaraang taon, tulad ng naunang dekada. Hindi umaabot sa masa ang tamasa ng kaunlaran.
Kung tutuusin nga, nu’ng magtatapos ang taon 2013, 55% ng mga sinarbey ng Social Weather Station ang nagsabing mahirap sila. Katumbas ito ng 11.8 milyong pamilÂya. Mas malala ito kaysa naunang tatlong buwan: 50%.
Nabatid din sa SWS survey na 41%, o 8.8 milyong pamilya, ang umamin na kapos sila sa masaganang pagÂkain. Kumbaga, nagtitiyaga sila sa puro mumurahing tanim, at wala nang isda o karne.
Maraming rason kung bakit laganap pa rin ang karalitaan miski tumataas ang GDP ng bansa (6.8% nu’ng 2012):
• Hindi patas ang sistema. Binubuwisan ang mga emÂpleyado, pero nakakalusot sa BIR at Customs ang malalaking kumpanya at mayayamang indibidwal.
• Tinatamaan ng sakuna -- bagyo, baha, landslide, tsunami, lindol -- ang mahihirap. Pero ligtas sa malala-king mansiyon ang mayayaman.
• Labis ang katiwalian. Ninanakaw lang ng mga opisÂyales ang pondo na dapat ilaan sa pagpapaunlad ng buhay ng nakararami. Kung tutuusin nga, miski binibigyan ng buwanang sustento sa Pantawid Pampamilya Program ang mga mahihirap na pamilya, para panatilihin sa eskuwelahan ang mga anak, kapos na kapos pa rin ito. Apat na ,milyong kaanak lang ang sakop nitong PPP, kumpara sa halos 12 milyon na nagsabing mahirap sila.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest