‘Lumuwag na turnilyo’
LAHAT ng daliri’y nakaturo sa iyo ngunit pilit mo pa rin ibinabaling sa iba.
“Sugatan ang asawa ko, puro dugo na ang anak kong limang buwan. Hindi man lang nila kami tinulungan na dalhin sa ospital,†hinaing ni Lloyd.
Ika-25 ng Enero 2014… minamaneho ni Jhun Lloyd Tabasa o “Lloydâ€, 23 taong gulang ang traysikel ng kanilang pamilya. Kasama niya ang kanyang live-in partner na si Jean Martillano-23, kapatid na si Deesebel at limang taong gulang na anak.
Papunta silang Robinsons Dasmariñas, Cavite para bumili ng sombrero ng bata.
Habang nakahinto sina Lloyd may lumusot na Toyota Innova sa gilid nila. Nasagi nito ang turnilyo ng ‘side wheel’ ng traysikel. Nagpagewang-gewang ito dahil nawalan siya ng kontrol.
“Hindi humihinto ang nagmamaneho. Tuluy-tuloy lang siya at mukhang balak kaming takbuhan,†kwento ni Lloyd.
Ilang sandali ang nakalipas…nabutas ang gulong ng Toyota Innova at napahinto ito.
Sa lakas umano ng pagsalpok nabangga ng traysikel ang isang Toyota Corona na nasa harapan nila. Minamaneho ito ni Bernard Villaruel.
Agad na sinilip ni Lloyd ang kanyang anak. Kinabahan siya nang puro dugo na ito. Yakap ito ng inang si Jean na duguan na rin ang mukha. Hindi makalabas ang mga ito dahil dikit na dikit pa sila sa kotseng nabangga.
“Umabante ng kaunti ang Toyota Corona para makalabas ang asawa ko. Pagkalabas nila siya ring baba nung drayber ng Toyota Innova,†salaysay ni Lloyd.
Sa halip na tulungan sila ng drayber na nakilalang si Darryl Salazar-48 ay sinisisi pa umano sila nito.
“Kayo ang sumulpot sa gilid ko at binangga ang gulong ko kaya nabutas,†sabi umano ni Darryl sa kanila.
Imposible umano ang sinasabi ni Darryl dahil nakahinto sila nun at ‘traffic’ nang mga panahong yun.
Hanggang sa istasyon ng pulis ay wala umanong tigil sa kasisisi si Darryl sa kanila.
“Kung kami ang may kasalanan, magdemanda kayo,†hamon ng mag-asawa kina Lloyd.
Hindi sila nagkasundo ni Darryl. Ang may-ari naman ng Toyota Corona ay nagsabing kung sino ang may kasalanan, siya ang pagbabayarin niya sa pinsalang natamo ng sasakyan niya.
Ayon sa salaysay ni Bernard, habang siya’y nakahinto dahil sa trapik ay bigla na lamang may bumangga sa kanyang likuran. Paglabas niya nakita niya ang traysikel at ang kotseng Innova na bumangga rito.
Sa report naman ng pulis, ang Toyota Innova na minamaneho ni Darryl ay aksidenteng sumagi ang kaliwang rear sidings sa isang traysikel. Minamaneho ito ni Lloyd. Bumangga naman ang traysikel sa isang Toyota Corona dahil sa pagkakasalpok sa kanya.
“Handa naman daw magbigay ng kanyang testimonya si Bernard kung kinakailangan,†wika ni Lloyd.
Tanggi umano ng tanggi ang panig nina Darryl sa naganap na insidente.
Giit pa niya sa kanyang ibinigay na salaysay, “Habang papunta ako ng Pala-pala bigla na lang may sumulpot na tricycle sa bandang kaliwang likuran namin. Hindi ako umalis sa linya, hindi rin pwedeng mabilis ang takbo dahil traffic. Tinamaan ng sidecar wheel ang gulong ko kaya nabutas.â€
Dinala naman sa ospital ang mga pasahero ng traysikel. Si Jean dahil sa pagtama ng ulo sa traysikel ay nagtamo ng sugat sa kaliwang kilay, pasa sa kanang mata at sugat sa may ilong.
“Mabuti na lang at hindi nasaktan ang anak ko. Nalagyan lang ng dugo dahil mahigpit itong niyakap ng nanay niya,†kwento ni Lloyd.
Si Deesebel naman na nakaangkas kay Lloyd ay nagkaroon ng ilang pasa sa katawan.
Sumunod sa ospital sina Darryl kasama ang kanyang asawa ilang oras ang nakalipas.
“Hindi raw sila mayaman at wala silang pera, yun ang paulit-ulit nilang sinasabi,†pahayag ni Lloyd.
Lagi rin umano nitong sinasabi na magsampa na lamang sila ng kaso dahil sila ang may kasalanan ng banggaan.
“Ang gusto ko lang naman maibigay sa amin ang karapatan namin. Yung obligasyon nila ay magawa rin nila,†ayon kay Lloyd.
BILANG TULONG ini-refer namin sina Lloyd sa Public Attorney’s Office (PAO) upang magabayan sa pagsasampa ng kaso.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Lloyd.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, malinaw sa ulat ng Traffic Investigator na nasagi ng nagmamanehong si Darryl ang tagiliran ng traysikel. Lumalabas na siya ang unang bumangga sa sinasakyan nina Lloyd. Nagtamo ng sugat ang kanyang asawa at may hawak naman silang ‘medical certificate’ upang mapatunayan ito. Nagkaroon din ng pinsala sa kanyang traysikel.
Maaaring magsampa ng kasong ‘Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injuries and Damage to Property’ laban dito kay Darryl.
Maraming mga motorista ang nasasangkot sa iba’t-ibang klase ng aksidente ay tinatakbuhan lamang ng mga nakadisgrasya. Kinakailangan din maturuan ng leksiyon ang ilan na hindi sumusunod sa mga batas trapiko para hindi pamarisan ng iba. Kapag tayo ang mali, panagutan natin ito at hindi yung baluktot na kwento ang gagawin ninyo.
(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest