^

PSN Opinyon

‘Citizen’s arrest’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PINAGPIPISTAHAN ngayon ng publiko ang umano’y pambubugbog sa komedyante at aktor na si Vhong Navarro. Pumasok na rin sa imbestigasyon ang Department of Justice.

Hindi nakikisakay ang BITAG sa isyu para lang mapansin tulad ng ilang mga kongresista na umeentra na at may mga sariling teyorya. Hindi ko na papakialaman ang takbo ng imbestigasyon, kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung nahuli nga ba sa akto ang inaakusahan.

Ang punto lang dito, tama ba o mali ang proseso ng pag-aresto kay Navarro sa loob ng condominium unit ng umano’y biktimang si Deniece Cornejo. Sa ipinatutupad na batas, may tinatawag na “Citizen’s Arrest.” Ito ang pag-aresto ng isang mamamayan sa isang indibidwal na naaktuhang gumagawa ng krimen.

Kalimitang ginagawa ito sa mga snatcher o mga halang ang bituka na pagala-gala sa lansangan para maisuko sila sa pulis bago pa sila kuyugin at mamatay sa kamay ng mga galit na taumbayan. Ang citizen’s arrest ay maaaring gawin ninuman at saanman kung naaktuhan mismo ang krimen habang wala pa ang mga awtoridad.

Kung ikokonekta ito sa isyung pambubugbog umano ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong Navarro, mali ang ginawa nilang pag-aresto.

Kung sakaling totoo man ang akusasyong panggagahasa, dapat tumawag agad ang kampo ni Lee sa guwardya ng condo o sa 117 o kaya sa malapit na presinto para narespondehan agad at mismong mga pulis ang dumampot kay Navarro.

Sa nangyaring pagba-blotter ng insidente, naging engot din ang mga awtoridad. Ni hindi man sila lang nagbanggit ng Miranda doctrine habang kaharap ang inirereklamo.

 

Hindi ginagawang katatawanan ng BITAG ang isyung ito. Mahalagang maintindihan ni “Juan Dela Cruz” at ng taumbayan ang tamang proseso, tamang paggamit at totoong saysay ng “citizen’s arrest” partikular ang mga pulis.

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUAN DELA CRUZ

KALIMITANG

NAVARRO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with