^

PSN Opinyon

Madaliang solusyon ang kailangan

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi malulutas agad ang nagbabantang proble- ma sa power crisis, kawawa ang taumbayan na magpapasan ng malaking gastusin para lamang sa elektrisidad.

Ayaw ni Presidente Noynoy na bigyan siya ng emergency power upang harapin at lutasin ang krisis na ito. Kung magkagayon, dapat na lang magkaisa ang buong gobyerno para maputol ang red tape sa pagresolba sa problemang ito.  Isang mabilis at episyenteng sistema ang kailangan.

Masyado kasing masalimuot ang proseso ng pagtatayo ng planta ng elektrisidad para tugunan ang problema. Pero hindi puwedeng maghintay ang bayan sa ganitong situwasyon.

Ani Sen. Sonny Angara, dapat nang mawala ang red tape dahil kailangan ang higit sa 100 lagda para ma-aprubahan ang pagtatayo ng isang power plant. Aniya, kung hindi gagawa ng paraan ang gobyerno para mapabilis ang proseso sa pagkuha ng permits sa pagtatayo ng mga bagong power plants, tiyak na mas lulubha ang problema at posibleng lalong maging mahal ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.

Iyan naman ang tanging dahilan kung bakit kailangan ng emergency power ni P-Noy para mabilis na maresolba ang problema. Siya na lang ang mag-aaproba ng mga kailangang rekisitos sa pagtatayo ng mga kailangan para madagdagan ang power supply.

Nauna rito, sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla na may 165 steps para sa pagkuha pa lamang ng permits,  kaya aabot sa mahigit na isang taon ang proseso ng aplikasyon para sa bagong power plant, bukod pa sa tatlo hanggang apat na taon para mismong pagtatayo ng planta.

Ani Angara, dapat mapabilis ang proseso lalo na nga­yon na nagkakaroon na ng kakulangan sa supply ng kur-yente kaya nagmamahal ang presyo nito. Dagdag niya, marami naman ang intresado na mamuhunan sa power sector dahil maituturing itong “lucrative business” sa mga nakaraang dekada.

  Kaya katig ako sa panukala ni Angara na magkaroon ng “one-stop shop” para sa pagpapalabas ng permits para maging simple ang proseso.

ANGARA

ANI ANGARA

ANI SEN

ANIYA

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

PARA

POWER

PRESIDENTE NOYNOY

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with