^

PSN Opinyon

‘Lungkot matapos ang saya’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA edad na 41 anyos nagsimulang mangarap ng higit. Ngayong nahaharap na siya sa bagong buhay… isang batang kasisimula pa lang maglakad, isang batang kargahin pa at dalawang among palautos ang kanya daw pasanin.

“Titiisin daw niyang lahat… ang problema ‘di namin alam kung kamusta ba siya? Wala na kaming balita,” labis na pag-aalala ni ‘Nening’.

Si Nening o Ninfa Fuentes, 53 taong gulang ng Sta. Rosa, Laguna ay nagsadya sa aming para ilapit ang kaso ng kapatid niyang si Marivic “Bebeng”, Domestic Helper (DH) sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Tatlong magkakapatid sina Nening sa unang asawa ng kanyang inang si Natividad Arboleda, 76 anyos. Nang mabiyuda sa kanilang ama, nag-asawang muli si “Naty” at nagkaroon sila ng isang anak… si Bebeng.

Taong 1996 pa ng magtrabaho sa ibang bansa si Nening kaya’t si Bebeng na halos ang nag-alaga sa kanyang mga anak.

‘Factory worker’ sa pagawaan ng mga biskwet si Bebeng. Kahit kontraktwal sapat naman na ang kita niya para sa kanyang sarili.

“Nagulat na lang ako ng magbalak pa siyang mag-abroad. Tutol kami ng Nanay ko pero ayaw niya paawat baka daw swertehin siya,” ani Nening.

Naging mapilit itong si Bebeng at nilihim sa ina ang pag-apply niya sa F.R International Placement Agency sa Ermita, Manila.

Abril 2013, nagpasa ng mga dokumento si Bebeng sa ahensya. Nainip si Bebeng dahil Hulyo na wala pa ring tawag kaya’t umatras siya nung una subalit hindi daw pumayag ang F.R kaya tinuloy niya na lang.

“Gusto rin naman ng kapatid ko kaya ng nailabas ang kontrata niya tuwang-tuwa siya,” pahayag ni Nening.

DH ang magiging trabaho ni Bebeng sa bansang Riyadh. Kikita daw siya ng halagang 400 US Dollar kada buwan o nasa Php17,000.

Isang nagngangalang Mohammed Abdulla Al Gharni ang kanyang magiging amo--isang pamilyado. May dalawang Pinay na kasambahay din daw siyang makakasama dun.

Ika-22 ng Setyembre 2013 nakaalis ng bansa si Bebeng. Pinaghadaan ito ni

Bebeng kaya bitbit niya ang isang ‘cell phone’ na may roaming sim para matawag-tawagan ang kanyang pamilya. Nagtaka sila Nening dahil isang buwan mula ng umalis ang kapatid wala ni text silang natanggap.

Huling linggo ng Oktubre isang ‘di rehistradong numero na pagma­may-ari daw ni “Rose”, DH din sa Riyadh ang tumawag kay Nening.

Nagulat siya ng marinig ang boses ng kapatid, “Ate… Isang beses lang ako kung pakainin dito. Wala din akong kasamang Pinay. Ako lang mag-isa… Pinagbabawalan din akong gumamit ng cellphone,” sumbong daw nito.

Kwento pa ni Bebeng, dalawang bata na nasa edad 2 ½ at 1 taong gulang na sanggol daw ang inaalagaan niya. “Habang karay niya ang isa at karga ang isa pa… siyang utos naman ng amo niyang babae…” sabi ni Nening.

Pinapadala din daw siya sa ibang bahay, sa mga kamag-anakan ng amo para paglinisin ng bahay nila. Dun siya nagkaroon ng pagkakataong makilala si Rose.

Maliban pa rito, bigla-bigla na lang  daw pumapasok ang amo niyang babae sa kanyang kwarto at hinahalungkat ang kanyang mga gamit na para bang may hinahanap. Wala daw siyang magawa kundi lumabas na lang.      

Isang daang Saudi Riyals lang din daw ang sinasahod niya buwan-buwan.

Ang mga sumbong na ito’y labis na kinabahala ni Nening kaya’t diretsong tanong niya sa kapatid, “Kaya pa ba?” Umiiyak na sagot daw ni Bebeng, “Titiisin ko ng dalawang taon, matapos lang!” sabay paalam at putol ng linya.

Ito na daw ang una’t huling pag-uusap nila. Tinawagan niyang muli ang numero ni Rose. Sinabi ng Pinay na ‘di na pumapasyal dun ang kababayan.

“Dati tatlong beses sa isang linggo kung pumunta dun si Bebeng. Pinagbawalan rin daw siya ng among pahiramin ito ng cellphone,” ani Nening.

Pasko…nagtext si Rose kay Nening at nangamusta. Nagtanong ito kung tumawag ba si Bebeng sa kanila. Dumaan ang Pasko at Bagong taon wala sila natanggap ni pagbati galing kay Bebeng.  Hindi rin ito nakapagpadala ng pera. Nagdesisyon na siyang pumunta sa F.R Int’l, nakausap niya dito ang ‘staff’ na nakilala nilang si Kitchie Cotoc. Nangako daw ang ahensya na tatawagan ang Pinay at papatawagin kina Nening subalit wala silang tawag na natanggap.

“Nagpabalik-balik ako dun. Walang nangyari, hanggang binigay na lang nila sa’kin ang number ng employer ni Bebeng,” wika ni Nening.

Pagtawag niya, isang lalakeng Arabo ang sumagot. Nagpakilala siya, “This is Marivic sister. Can I talk with my sister?” tanong niya.

Mabilis na sumagot ang lalake ng, “Yes!”. Maya-maya narinig daw niya sa background na may babae’t lalakeng Arabo na nag-usap. Ilang sandali binabaan na siya ng telepono. Tumawag muli si Nening subalit, “No!” na sumunod na sagot ng lalake at pinapatayan na siya ng linya.

Gustong malaman nila Nening ang kalagayan ng kapatid dahil wala rin umano itong ‘Iqama’ (working permit). Itinampok namin si Nening sa CALVENTO FILES sa radyo. â€œHustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN).

Kinapayam namin sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Department of

Foreign Affairs (DFA) at ipinarating ang reklamo ni Nening. Hiniling ni Usec. na ibigay sa kanya ang lahat detalye tungkol sa Pinay para mapuntahan ng taga embahada at malaman kung totoo nga ang sumbong sa kapatid.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinaliwanag namin na imposibleng nakapagtrabaho si Nening na walang Iqama at kung totoo ito, ibig sabihin siya’y nagtatrabaho ng iligal at maari siyang hulihin.

Madalas naming mapag-usapan ng mga opisyales ng DFA, mga Ambassadors na ang isa sa pinakamalaking problema ng ating mga kakabayang bagong salta na magtatrabaho sa Gitnang-Silangan ay ang kanilang pagkalungkot.

Sinubukan na nilang gawan ng paraan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang seminar para ihanda sila na ibang kultura ang kanilang papasukan subalit ‘di napag-aaralan ang damdamin ng isang tao. Dalawang taon ang kontrata niya, mag-aapat na buwan pa lang ang kanyang napagsisilbihan. Unang Paskong kanyang nadaanan. ‘Di kaya lahat ng ito’y resulta ng lungkot na mahiwalay sa pamilya sa panahon na nagkakabuo-buo ang pamilya? Ano pa man yun dahil ito’y isang problemang inilapit sa amin nangako kami na sila’y tutulungan. Pinakiusapan namin si Usec. Seguis na maiparating kay Amba­ssador Ezzedin H. Tago ng Riyadh na tignan ang kalagayan ng Pinay. Alamin kung totoong isang beses lang siyang pinapakain at kung siya nga’y biktima ng iba pang pagmamaltrato. Matapos nilang marinig ito, naibsan ang pangamba ng pamilya ni Bebeng.  (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

BEBENG

DAW

ISANG

LANG

NENING

NIYA

PINAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with