^

PSN Opinyon

Ang ‘Litra-talks’

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG Litra-talks sa pabalat ng ating pahayagan ay isang lampoon na naglalayong tumawag ng pansin sa paraang nakakatawa at nakaaaliw. Siguro hindi lahat ng tinatamaan ay naaaliw pero bihira po ang napipikon, salamat sa Diyos. Nang Presidente pa si Fidel V. Ramos, madalas ko siyang ilarawan sa paraang katawatawa. Halimbawa, ang Pasig River na naging sobrang polluted na at punumpuno ng mga water lilies ay tampulan nang batikos.

Sa pamamagitan ng magic ng photo shop ay inilagay ko ang litrato ni FVR na naka-scuba diving gear na nag-iiskuba sa Pasig habang naglulutangan ang mga waterlily at iba pang basura. Ang dialogue ni FVR na naka-thumbs up pa ay “kaya natin ito.”

Doon nagsimula ang paglilinis ng ilog Pasig na pina-ngunahan ng noo’y first lady na si Ming Ramos. Alam ba ninyo na nang imbitahan ako ni FVR nang hindi na siya Pangulo sa kanyang opisina sa Makati ay ipinakita niya sa akin ang gallery ng mga clippings ng Litra-talks na starring siya? Puro nakakatawa ang posing niya! Tuwang-tuwa pa siya imbes na mainis. Pag-uwi ko hindi ako makatulog dahil puro kape ang ipinainom sa akin ni President Ramos.

Satire po iyan na isang uri ng pagpapahayag ng mga puna. Kamakalawa, naitampok natin ang larawan ng mga kagawad ng PNP na nagwo-workout sa pangunguna ni Chief PNP Alan Purisima at DILG Secretary Mar Roxas at ang dialog ni Chief Purisima “Heto style ni Jackie Chan.” Sagot naman ni Roxas “Korek. Para hindi kayo LAKI CHAN.” At yung ipinakita nating litrato ay hindi gawa ng photo shop kundi totoo na nagpapakita ng ebidensya.

Nagtampo sa atin si PIO Chief Pol/supt. Rueben Theodore Sindac. Ika niya  sa kanyang memo sa akin “I read with displeasure” yun ngang Litra-talks dahil wala naman daw ganung dialogue sina Roxas at Purisima. Wala nga. Kathang isip ko po iyan para sa isang nakakaaliw na pagpuna sa mga lumalaking tiyan ng ating kapulisan. Sorry kung nakasakit tayo pero iyan ang layunin ng satire na  isang lehitimong estilo ng pagpuna ng isang mamamahayag katulad ko.

Noong panahon ni Ping Lacson bilang PNP Chief, inumpisahan niya ang ganyang regimen sa PNP dahil punado niya rin ang mga lumolobong tiyan ng mga pulis. Hindi nagtagal puro naging sexy ang waisteline ng mga pulis. Patuloy tayong sumusuporta riyan dahil naniniwala ako na ang mga pulis na walang tiyan ay mas epektibo sa pagresponde at pagtugis sa mga kriminal. Wala pong personalan iyan. Okay ba kayo tiyan?

ALAN PURISIMA

CHIEF POL

CHIEF PURISIMA

FIDEL V

JACKIE CHAN

MING RAMOS

NANG PRESIDENTE

PASIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with