Kritikal ang kritiko
DEDMA. Ito ang New Year’s resolution ng Presidente sa mga â€matigas ang ulo†na panay ang puna sa kanyang pamamahala. Sa lahat ng halal na opisyal, ang Presidente ang makaaasa nang pinaka-marami at pinaka-matinding kritisismo. Bilang kinatawan ng tao na nabigyan ng pinaka-mabigat na katungkulan at pinaka-matinding kapangyarihan, sa kanya higit sa lahat nakatuon ang pansin ng taumbayan.
Kung tutuusin, hindi pagbabalewala ang sagot ni P-Noy sa mga may kontra opinion. Ipagdarasal na lang daw niya at bahala na si Lord sa kanila. At least, mas magaang ito sa ganti ng kanyang inang si Pres. Cory na tinawag na “langaw†ang mga kritiko sa isang anibersaryo ng EDSA. Iba-iba ang pagtanggap ng ating mga Presidente sa kritisismo. Si Pres. Erap ay hindi rin nandedma nang binira siya nang husto ng Philippine Daily Inquirer. Ang ganti niya ay isang advertising boycott na talagang nagpahirap sa PDI. Maging si dating SEC Chairman Perfecto Yasay, Jr. ay pinatulan ni Erap nang nag-phoned in reaction siya sa mga patutsada ng una sa isang TV program. Sina Pres. FVR at GMA ang talagang dinedma ang kanilang mga kritiko. Si Pres. Marcos, sa una’y dinedma ang mga kalaban subalit sa huli ay pinili ang win-win solution nang inimbitahang maging in-house critics ang mga kritiko.
Hindi masama ang magkaroon ng kritiko. Ang pagsuri at pagpuna ay mahalagang bahagi ng freedom of expression na haligi ng isang malayang demokrasya. Karapatan ng botante ang laging panagutin ang kinatawan. Kritikal ang papel ng kritiko. Kung walang tutuya, magiging kampante ang nakapuwesto. Tingnan na lang itong karanasan natin sa Yolanda kung saan, matapos ang trahedya ng bagyo, trahedya mula sa kamay ng DPWH sa overpricing at sub-standard specifications ang sumalanta sa bayan. Hindi pala sapat na seal of quality na hawakan ang proyekto ng mismong tao ni P-Noy. Kung walang pagsusuri at walang kritisismo, hindi naipalabas sa publiko ang katotohanan.
- Latest