^

PSN Opinyon

‘Sing dulas ng ahas’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

BULATENG pumasok sa masikip na butas. Sisirain ang anumang madaraanang bagay at kapag ito’y iyong hahabulin… magpapadulas ito na parang  ahas papuntang gubat.

“May Hold Departure Order na siya galing korte, naalis pa siya!” nagngingitngit na sabi ng isang ina.

Siya si Rosario Torres, 56 anyos ng Noveleta, Cavite. Una na naming naisulat ang sinapit ng anak ni Rosario na si Mark Torres, 28 anyos, isang traysikel drayber. Pinamagatan naming, “Dubai ang putok, Cavite ang tama(?)”

Sa isang pagbabalik tanaw, Ika-4 ng Pebrero 2012… galing sa “Dabarkads” (inuman) sina Mark at ilang kaibigan. Inihatid nila ang babaeng kasama na nagpakilalang si “Shane”.

Mula Brgy. Sahud Ulan, Tanza Cavite binaybay nila ang kahabaan ng A. Soriano papuntang Rosario para ihatid si Shane. Bandang 2:45AM biglang sumulpot ang isang motor galing sa likuran ng kanilang lulang traysikel.

Pinagbabaril na lang sila ng dalawang kalalakihan na kinilala umano ni “Lino”—kanila ring kainuman na si Sherman Aquino.  Nakasakay daw ito sa isang pulang Honda na motor.

Binilisan niya ang takbo. Nasukol sila ng mga ito kaya itinigil ni Lino ang traysikel. Sumigaw siya ng, “Takbo!”. Nagtago sa kanal at si Gary (kasama rin sa traysikel) ay nakatakbo. Si Mark ay inabutan at pinagbabaril umano ni Sherman.

Mabilis daw tumakas ang mga ito. Nang makasigurong nakalayo na ang mga suspek nilapitan nila ang duguang katawan ni Mark. Sinugod sa ospital si ito subalit agad din namatay.

Ayon sa ina ni Mark na si Rosario, matagal na raw may banta sa buhay ng anak. Dahil daw ito sa pakikipagrelasyon ni Mark sa asawa raw ni Sherman na si Maricel Quemuel habang ito’y nasa ibang bansa.

Dati na umanong inabangan si Mark sa tapat ng kanilang bahay sa San Juan II, Noveleta, Cavite. “Tinutukan siya ng baril at mabuti na lang ‘di ito pumutok,” sabi ng ina.

Mariing itinanggi ni Sherman ang bintang sa kanya. Base sa Kontra-Salaysay na binigay ng ina ni Sherman na si Ligaya Mariano, imposible raw na anak niya ang namaril dahil ika-11 ng Enero 2011 pa ito nakasakay ng eroplano papuntang Dubai.

Dalawamput apat na araw na raw siyang nasa Dubai bago nangyari ang krimen. Matapos namin maitampok ang istoryang ito sa aming pitak. Nakatanggap kami ng tawag mula sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

“Sir, nasira ang pangalan ko. ‘Di ako mamatay tayo. Wala akong alam sa binibintang sa akin at wala rin akong alam sa batas,” sabi ni Sherman.

Ika-5 ng Agosto 2010, umalis siya ng Pinas bilang ‘assistant operator’. Meron daw siyang ‘logbook’ sa pagpasok niya sa trabaho.

Pag-uwi niya ng Disyembre dun nila raw nalaman ang pagtataksil ni Maricel subalit giit niya, “Tutal ‘di ako perpektong asawa may nagawa rin akong kasalanan at para sa anak namin pinatawad ko siya dahil 10 taon na rin kaming nagsasama,” sabi ni Sherman.

PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, pinakinggan din namin ang panig ni Sherman. Nagpunta sa aming tanggapan ang ina nito, kapatid at ka-live-in. Tinanggi nilang lahat ng bintang sa anak.

Paliwanag din ni Cecille, “Shane” ang binigay niyang pangalan at hindi Cecille dahil yun umano ang alyas niya kapag pumupunta sila sa bar.

Malayo na ang tinakbo ng kasong nilapit sa amin ni Rosario. Nanindigan si Rosario. Naniniwala ang pamilya Torres na “set up” ang mga pangyayari.

Ang kapatid ni Sherman na si “Cecille” daw ay nagpanggap bilang “Shane”, inakit at umano’y nilandi si Mark, nagpahatid at sabay dun na tinambangan at pinatay ang binata.

Nagkaroon ng pagdinig ang kasong Murder na sinampa sa Prosecutor’s Office Trese Martires City.          Nakipag-ugnayan kami sa Prosecutor’s Office ng Cavite upang mapabilis ang desisyon (ng walang kinikilingan). Disyembre 2012, bumalik si Rosario dala ang ‘warrant of arrest’ mula sa Branch 23 Trece Martires para kay Sherman. “No bail recommended” dahil Murder ang kaso.

Nakipag-ugnayan din kami sa DFA para hilingin na makansela ang passport ni Sherman at siya ay lalabas na isang ‘undocumented alien’.

Ika-29 ng Enero 2013, nag-file si Prosecutor Onofre M. Maranan RTC-Branch 23, Trece Martires ng MOTION FOR ISSUANCE OF HOLD DEPARTURE ORDER (HDO) para kay Sherman Aquino Mariano.

Ang pinagtaka ni Rosario bakit hindi napigil ng HDO si Sherwin at nakabalik pa nung ika-14 ng Pebrero 2013 sa Middle East matapos nitong magbakasyon sa Pilipinas nung ika-26 ng Enero 2013. Sa tulong ng mga corrupt na ‘immigration officers’ kahit may HDO na, nakapuslit pa rin.

Ito ang dahilan ng pagbalik sa amin ni Rosario. Itinampok siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kinapanayam namin sa radyo si Assec. Wilfredo Santos, ang Head ng Department of Foreign Affairs for Consular Affairs. Ayon kay Assec. Santos kapag nagbaba na ng Order ang Korte (HDO) awtomatiko na dapat na ibinibigay ito sa DFA.

“Sufficient na ito kahit warrant of arrest, puwede na ito para sa inquest of cancelation of passport,” pahayag ni Assec. Santos.

Kapag nangyari ito, hindi na niya mare-‘renew’ ang kanyang passport abroad. Sa ngayon hiniling ni Assec. Santos na bigyan sila ni Rosario ng ‘official transmittal’ mula sa korte. Para lubusang matulungan si Rosario at mas mapaliwanagan si Rosario pinapunta namin siya kay Assec. Santos at paaasistehan siya sa kanilang Passport Division.

Nitong huli, nakatanggap kami ng sulat kay Assec. Santos, ayon dito kabilang si Sherman sa ‘Look-out list’ ng DFA sa bisa ng kanyang warrant of arrest. Kanselado rin ang pasaporte niya sa Department’s Consular Offices sa Pilipinas at Abroad, saklaw ng RA 8239—Philippine Passport Act of 1996.

Magpakaligaya ka na sa mga natitirang araw na hindi pa paso ang passport mo dahil ‘di magtatagal mawawalan na ng bisa yan at kakailangin mong harapin ang iyong kaso at patunayan na wala kang kasalan sa pagpatay kay Mark. Hindi mo pwedeng taguan ang kasong ito habambuhay. Mawala man ang ina ni Mark may pamilya pa rin siyang gustong makuha ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Maari din kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038.

               

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

ASSEC

CAVITE

DUBAI

MARK

ROSARIO

SHERMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with