^

PSN Opinyon

Dagok muli sa LTO at DOTC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na magkakaroon ng malaking problem ang Land Transportation Office sa January 2014 dahil sa kakulangan ng mga car plates at car strickers para sa mga bagong sasakyan.

Sabi nga, sawa na ang madlang public sa ganitong sistema­!

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  malaki pa ang backlog ng ahensiya sa nagdaang mga buwan at madadagdagan pa ng kakulangan sa car plates  sa 2014.Ibinida ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, na taksan-taksa pa ring mga  brand new cars na nairehistro na sa LTO ngayon 2013 na hindi pa rin nabibigyan ng car plates laluna ang mga motorsiklo na karamihan nagagamit ng grupong riding in tandem sa paggawa ng krimen?

Naku, nakakatakot ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO. Ito ay dadagdag pa sa pangangailangan sa mga plaka sa mga brand new vehicle na irerehistro sa 2014.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, every year ay halos umaabot sa  2.3 million sasakyan ang naire­rehistro sa LTO.

Sinasabing nagsimula ang problema sa plaka last 2011 nang magbago ang naka-kontratang company sa LTO sa paggawa ng car plates makaraang matapos ang kontrata ng JGB enterprises.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang pumasok na ang bagong car plates contractor, hindi nito nasustinihan ang pangangailangan sa malaking bulto ng car plates dahil hindi pumasa ang mga materyales na dala nito sa paggawa ng plaka.

Ika nga, bagsak sa standard requirements na ipinatutupad ng LTO!

Habang  malaki ang problema sa kawalan ng car plates sa LTO, bumagal din ang pagkilos na masolusyunan ito nang pumasok na ang planong  LTO plate standardization project  gayon hindi pa finish ang problem sa kakulangan sa mga car plates.

‘Ano ang masasabi dito ni DOTC Secretary Jun Abaya?’ tanong ng kuwagong natutulog sa pansitan.

‘Hintayin nila ang susunod na isyu mas malaki at tiyak gugulantang sa kanilang mukha oras na kumilos ang mga militanteng organization sa tranportasyon.

Abangan.

* * * * *

Magkamag-anak kasi kaya hindi puwedeng galawin

KUNG iisipin ang pagkamatay nina Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, may apat pang iba at ikanasugat ng madlang people sa may arrival loading area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ay isang security lapses sa parte ng pamunuan ng Manila International Airport Authority.

Bakit?

Sagot – walang mga authorities na nakita nang mga oras na iyon.

‘Ang PNP-Aviation Security Command at mga itinalagang MIAA Airport police sa NAIA-T3.’

‘Asan sila?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang dapat itanong sa magkamag-anak na sina Philippine Air Force retired 1-star general at MIAA general manager Bodet Aquino Honrado at retired PNP-Aviation Security Group 1-star general at ngayon ay MIAA Airport Police chief Jesus Descanzo para sila ang magkapagsabi kung may security lapses ba o wala?

For information lang ng para sa madlang people si Honrado ay kamag-anak ni P. Noy kaya kayo na ang humugas este mali humusga pala kung bakit kibit balikat ang malakanin este Malacañang pala na pagbitiwin ito.

Sabi nga, for command responsibilities.

‘Basta ang alam ng madlang people ay walang CCTV camera­ system sa loob at labas ng NAIA-T3.’ sabi ng kuwagong tirador.

‘Buti na lamang at may mga malalakas ang loob na nakakuha ng cell 0phone video sa pangyayaring ambushed.’ ayon sa kuwagong pakaang-kaang.

Abangan.

ABANGAN

AIRPORT POLICE

ASSET

AVIATION SECURITY COMMAND

AVIATION SECURITY GROUP

CAR

PLATES

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with