^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magandang regalo

Pilipino Star Ngayon

NAPAKA-GANDANG regalo ang pinagkaloob ng Supreme Court sa mamamayan ngayong Pasko. Pinigil ng SC ang pagtataas ng singil ng Manila Electric Co. (Meralco) ng halagang P4.15 per kilowatt hour (kWh) simula sa buwang ito. Tatagal ang kautusan ng SC ng tatlong buwan o 60 araw. Ibig sabihin, hanggang Marso ay walang mangyaya-ring dagdag singil sa kuryente. Inatasan ng SC ang Ener­gy Regulatory Commission (ERC) at Meralco na idepensa ang kanilang pagtataas ng singil. Naka-schedule ang oral argument sa Enero 21, 2014.

Ang aksiyon ng SC sa pagtataas ng singil ng Meralco ay dahil sa mga petisyon ng mga mambabatas na pinangungunahan ni Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabrie­la Women’s Party Reps. Luz Ilagan at Emmi de Jesus; Act Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Teddy Ridon. Bukod sa mga nabanggit na mambabatas, naghain din ng petisyon ang National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE). Ayon sa mga petitioner umabuso ang ERC nang payagan ang Meralco na magtaas ng singil. Dapat daw dumaan sa public hearing ang anumang gagawing pagtataas dahil nakasaad ito sa Electric Power Industry  Report Act (EPIRA). Kung hindi nagpetisyon ang mga nabanggit na mambabatas at grupo, patuloy na sa pagsingil ang Meralco. Balak hatiin sa apat na bigay (staggered basis) ang dagdag na singil na mag-uumpisa na ngayong Disyembre.

Marami ang nakahinga nang maluwag sa inis­yung TRO ng SC. Napakabigat ng P4.15 na dagdag sa singil. Ang mas nakakaawa ay ang mga nabiktima ng kalamidad. Hindi pa sila nakakabangon mula sa pananalasa ng bagyo at lindol ay panibagong pasanin na naman ang magpapasugat sa kanilang balikat.

Mga mahihirap na mamamayan ang labis na apektado sa mataas na singil sa kuryente. Dapat namang kastiguhin ang ERC kung bakit ura-uradang binibigyan ng pahintulot ang Meralco na makapagtaas gayung nararapat itong dumaan sa kunsultasyon sa publiko. Masyadong nagmamadali ang ERC sa pag-aapruba sa kahilingan ng Meralco na magtaas ng singil. Dapat ding maimbestigahan ang isyung ito.

ACT TEACHERS

ANTONIO TINIO

BAYAN MUNA REPS

CARLOS ISAGANI ZARATE

DAPAT

ELECTRIC POWER INDUSTRY

LUZ ILAGAN

MERALCO

SINGIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with