Maligaya siya na magpasaya sa iba
DALAWANG lalaki, kapwa malala ang sakit, ang pinagÂsama sa kuwarto sa ospital. ‘Yung una, na nasa tabing bintana ang katre, pinauupo isang oras tuwing hapon habang inaalis ang fluids sa baga. ‘Yung isa, buong araw hindi makabangon. Walang patid ang kuwentuhan nila: tungkol sa asawa, kaanak, trabaho, parehong pamantasan, at mga pinasyalan abroad.
Sa hapon kapag iniuupo ‘yung una, ginugugol niya ang oras sa pagdetalye sa ka-kuwarto kung ano ang tanawin sa bintana. Sabik ang kasama sa isang oras na pagkuwento na ‘yon; kahit papano’y lumalawak at nabubuhay ang kanyang daigdig.
Tanaw sa bintana ang malaking halamanan na may marikit na lawa. Naglalaro ang mga itik sa tubig, habang inuusad ng mga bata ang laruang bangka. May mga magkasintahang magkakapit-kamay sa gitna ng mga bulaklak na pula at ube. At sa malayo ay mga nagtataasang gusali.
Habang iniisa-isa lahat ito nu’ng lalaki sa may bintana, pumipikit naman ‘yung isa at inilalarawan lahat sa isip. Minsang maginhawang hapon idinetalye pa nu’ng una ang dumadaang parada. Miski hindi naririnig nu’ng kasama ang banda, nakikita niya ito sa isip.
Lumipas ang mga linggo. Isang umaga nang dinala ng nars ang almusal, napansing hindi humihinga ang lalaki sa tabing-bintana. Tahimik pala itong pumanaw sa tulog. Malungkot na inalis ang bangkay.
Nang hindi na abala ang lahat, nagpalipat ‘yung ka-kuwarto sa may bintana. Inurong siya ng nars, at iniwang komportable. Dahan-dahan, tinitiis ang sakit, itinukod ng lalaki ang isang siko para sumilip sa mundo sa labas. Pader lang ang nasa labas.
Inusisa ng lalaki ang nars kung bakit ang gaganda ng mga tanawin sa bintana na itinukoy sa kanya ng kasamang kapapanaw lang. Tugon ng nars, bulag ang dalawang mata ng unang lalaki, at imposibleng nakita niya ang pader: “Tiyak, pinatatag lang niya ang kalooban mo.â€
Maligaya ang tao na nagpapaligaya sa iba. Maligayang Pasko.
- Latest