^

PSN Opinyon

Grabeng trapik

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAMIG na ang simoy ng hangin sa Metro Manila  hudyat na papalapit na nang papalapit ang Pasko at matrapik na rin. Kaya ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at mayors ay gumagawa ng mga alternatibong pamamaraan upang mapagaan ang trapiko. Ang masakit mukhang kulang pa rin sa pag-aaral ang pagre-route ng mga transportasyon kung kaya lalong nabubuhol ang daloy ng mga sasakyan na ikinaiirita ng mga motorista. Ang trapik na pangunahing problema ng MMDA ay lalo pang pinalala ng mga magagaling na metro mayors sa ngayon, kasi nga bukas palad na inorganisa ang side walk vending sa mga pangunahing langsangan. Ito naman ay pakunsuwelo kuno ng mayors sa mga vendors upang kumita ng pera sa legal na pamamaraan.

Ang masakit mukhang nagbubulagbulagan lamang itong mga magigiting na mayors na sumang-ayon sa organized side walk vending  sa kanilang nasasakupan. Kasi nga pinagpipistahan ito ng mga tiwaling pulis at mismong mga mayors office. Lumalabas kasi na ang bawat stall na ipinagkakaloob sa mga vendors ay may kapalit na malaking datung na napupunta sa bulsa ng mga kolektor ng pulis at mayors office. Kaya ang mga vendor ay napipilitang mag-extend ng kanilang puwesto sa kalsada nang masambot ang obligasyon ipinararating sa pulis at mayors office kuno. Hehehe!

Hindi na bago itong kalakarang umiiral sa ngayon dahil noon pa man ay gatasan na ng mga pulis at mayors office ang mga vendors at idagdag pa rito ang panghaharibas ng mga barangay chairman na lalong nagpapahirap sa mga kaawa-awa nating mga tindero. Katulad na lamang diyan sa kahabaan ng Redemptorist at Taft Avenue na sakop ng Baclaran, Parañaque na madalas na nagpapatintero ang mga pulis at vendors. Ang ilalim ng LRT station sa may Taft Avenue at maging sa kahabaan ng Arnaiz Avenue sa Pasay City na madalas na magkaroon ng habulan o hulihan ng paninda. Kasi nga kapag kulang ang koleksyon na iniintriga sa mga tiwaling tauhan nina Mayor Edwin Olivarez at Antonio Calixto agad na ginigiba ang mga stall upang mapuwersa ang mga vendors na magbigay ng datung. Get n’yo mga suki!
Ang kahabaan ng C. M. Recto at kapaligiran ng Divisoria sa Maynila ay may gayon ding problema sa vendors. Ang matindi rito sa Divisoria ay ubod ng taas ang lagayan at koleksyon sa vendors dahil ang dami ng mga itinatag na demolition squad mula sa MPD headquarters at Manila City Hall na hindi nalalaman ni Mayor Joseph “Erap” Estrada. Kasi si Vice Mayor Isko Moreno lamang ang nakaaalam sa koleksiyon este sa pagpapatakbo ng organized vending. Kaya kahit na malugas pa ang lahat ng buhok ni Chairman Francis Tolentino sa pag-aaral na mapabilis ang daloy ng mga sasakyan tiyak na papalpak siya. Kaya upang makatulong tayo kay Tolentino, tututukan natin ang illegal collection na nagaganap. Abangan!

ANTONIO CALIXTO

ARNAIZ AVENUE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DIVISORIA

KASI

KAYA

MANILA CITY HALL

MAYORS

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with