^

PSN Opinyon

1st anniversary ng sabungan nina Kuyang Biyong at Kuyang Ayong

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THIS coming Saturday, December 7, may pasabong ang magka-pakner na sina Kuyang Biyong Garing at Kuyang Ayong ‘Dok’ Lorenzo dyan sa Tagaytay Excellence Tourist Arena, Tagaytay City.

Sabi nga, 5 cock derby!

Kaya naman ang magkasangga ay nangungumbida ng mga kasabong para lumahok sa kanilang patimpalak este mali 5 cock derby pala.

Ayon sa dalawang mag-Kuyang malaking premyo ang nakahanda sa magtsa-champoy este champion pala sa pasabong kaya nakakatiyak ang mapalad na magwawagi dito ay magiging ‘very happy,’ sa perang iuuwi nila.

Abangan.

Ruffy, sacrificial lamb ba?

MUKHANG na bigla si resigned Customs Commissioner Ruffy Biazon ng masangkot ang name niya na isa siya sa 2nd batch na kinasuhan ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman regarding sa kontrobersyal na isyu may titulong ‘Janet Lim Napoles’ and the P10 billion pork barrel scam.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa dinami-daming naka-linya na mga kongresista na isinasangkot sa pork barrel scam mukhang siya pa ang inuna. Hehehe !

Ika nga, iba na kasi kapag gusto ka ng sipain sa puesto !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sumindikato raw kay Ruffy kaya nakasama ang pangalan niya sa listing ng 2nd batch pero hindi naman natin sinasabi na ‘guilty’ ito. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, from the Bureau of Customs people una-una lang.

Ika nga, weder, weder talaga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi nalaman ni Ruffy na isasama siya sa case problem ng NBI sa OMB.  Mukhang humina ang intel networking niya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imposibleng hindi niya alam na may binigyan siya ng pitsa from his PDAF, kailangan sigurong busisiin niya ito ng husto.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ligtas lamang siguro sa pork barrel scam ay itong mga bagoong este mali bagong mga mambabatas pala na hindi na nalasap o naamoy ang sarap ng pork barrel. Hehehe!

‘Basta ang mga isinasangkot dito ay hindi pa guilty kaya nga kailangan mai-depensa nila ang kanilang mga sarili sa ibinabato sa kanilang akusasyon.’ sabi ng kuwagong nabukulan.

‘Bakit hindi pa ilabas ng DOJ o NBI ang pangalan ng lahat ng sabit na mga mambabatas sa scam?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Mas mabuti siguro kung kayo na lamang ang magtanong sa kanila para mas maintindihan ng madlang public.’

‘At least ang magandang ginawa ni Ruffy kay P. Noy ay hindi ito nag-text para sabihin ayaw na niya sa BOC dahil nagsumite mismo ito ng ‘irrevocable resignation’ sa Malacañang na agad naman tinanggap.’

‘Ayos nga ang ginawa ni Ruffy dahil may ‘delicadeza’ ito.’ sabi ng kuwagong napahiya.

Sa mga susunod pang mga pangalan na isusumite ng DOJ - NBI sa OMB just wait malapit na kayo!

Abangan.

Bro. Paul Mabatid and Bro. Louie Cruz

LAST November 7, pumasa na sa pagsubok ng Laong Laan Lodge 185 ng Free and Accepted Masons sina Kuyang Paul at Kuyang Louie matapos silang i-raise.

Sabi nga, Brethren na silang dalawa!

Naging masaya at madamdamin ang nangyari sa dalawang kamote este mali mga Kuyang pala dahil naramdaman nila at pumasok sa puso nila kung ano talaga ang Freemasonry!

In behalf ng Chief Kuwago, binabati natin sina Kuyang Paul at Kuyang Louie.

Ika nga, Brotherly Love, Relief and Truth!

vuukle comment

ABANGAN

AYON

IKA

KUYANG

KUYANG LOUIE

KUYANG PAUL

RUFFY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with