PCSO at ‘Yolanda’
ANG sabi ng bagong talagang rehabilitation czar na si Panfilo “Ping†Lacson, hindi magiging madali ang muling pagbabangon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda pero kakayanin niya ito sa tulong ng lahat lalu na ng pribadong sektor.
Totoo ang tinuran ni Ping. Tinataya na aabutin ng isang dekada ang gawaing pang-rehabilitasyon sa Central Visayas lalu na sa mga Lungsod ng Tacloban at Ormoc. Malamang din na aabot tayo sa puntong magkakaroon na ng “donor fatigue†ang mga bansang tumutulong ngayon para muling ibangon ang mga nasalantang lugar.
Pero ano man ang mangyari, dalawang ahensya ng pamahalaan lamang ang hindi mawawala sa eksena sa gawaing tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad: Ang Department of Social Welfare at ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa kaso ng DSW, ang pondo ay mangangailangan ng approval ng Kongreso. Kaiba ang situwasyon ng PCSO.
Dahil sa laki ng perhuwisyong idinulot ng nagdaang kalamidad, mangangailangan ito ng dagdag na pagmumulan ng pondo. Hindi lang ang mga devastated areas ang saklaw ng PCSO kundi mayroon pang ibang areas of concern o mga commitment sa ibang sektor.
Ayon sa kaibigan nating si Chairman Margie Juico ng PCSO, ito ang dahilan kung bakit inilunsad ng PCSO ang Bingo Milyonaryo, isang bagong numbers game na gumagamit ng teknolohiya ng cellphone. Sa tayang limang piso, ang mga mananaya ay posibleng magwagi ng hanggang P4 milyon. Araw-araw, umaga’t hapon ay mapapanood sa PTV Channel 4 ang bolahan. Ang service provider ng bagong laro ay ang Comnet Management Corp. sa pamumuno ni Mr. Benedicto Bulatao.
Umaasa si Chair Juico na katulad ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa lotto ay tatangkilikin din ang Bingo Milyonaryo. Walang kaduda-duda ito dahil likas sa mga Pilipino ang kultura ng pagsusugal. Pati nga plate number ng mga dumaraang sasakyan sa kalsada ay pinagpupustahan ng mga istambay. Wika nga, deeply ingrained na sa ating mga Pilipino ang “gambling culture.â€
Dalangin ko lang, dumating nawa ang araw na mabura na ang kulturang ito sa atin kapag tuluyan nang umasenso ang kabuhayan ng ating bansa. Wika nga, huwag tayong umasa sa tsansa para sa ating kinabukasan kundi sa Diyos at sa ating pagsisikap na magtrabaho sa patas at mabuting paraan.
- Latest