Makabagong Makapili matauhan na sana
MATAUHAN na sana ang mga makabagong Makapili sa Zambales. Tigilan na ng pamunuan ng probinsiya, kaÂsabwat ang 93 na “maliliit na minero,†ang pagpapaubaya ng likas na yaman sa Tsina.
Nagbigay nitong nakaraang linggo ang Tsina ng tumataginting kuno na $100,000-cash aid sa malaking pagwasak ng Typhoon Haiyan sa Pilipinas. Katiting lang ito kumpara sa panimulang tulong na $20 milyon mula sa U.S., $28 milyon mula Australia, $17 milyon mula European Union, $16 milyon mula Britain, $10 milyon mula Japan, $5 milyon mula Korea, $4 milyon mula Vatican, at $2 milyon mula Indonesia. Malaki pa ang $2.7-milyon abuloy ng pribadong kompanyang Ikea ng Sweden, ang $500,000 mula sa NBA, $350,000 mula sa Journey rock band, o $150,000 mula sa Los Angeles Lakers.
Ang $100,000-cash aid ng Tsina ay 0.0000002% lang ng kanyang currency reserve. Lumaki ang yaman na ’yan dahil sa paghuthot sa ibang bansa. Katumbas lang ang $100,000 sa isang araw na ilegal na pagmina ng nickel ore sa Masinloc, Zambales. Bukod pa ang nickel mula sa karatig na bayan ng Sta. Cruz. Bukod din ang hinihigop na black sand sa bayan ng San Felipe. At bukod pa ang pagkaing-dagat na ninanakaw ng Tsina mula sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Nagagawa ito ng Tsina sa tulong ng mga traydor na opisyales at kakutsaba. Para silang mga kasapi ng MakaÂbayang Pilipino, o Makapili, nu’ng Panahon ng Hapon na tumulong sa mga dayuhan na lupigin ang Pilipinas. Mga Makapili ang nagturo sa Japanese Imperial Army kung sinu-sino ang mga gerilya at lihim na kasapi ng resistance.
Dahil sa katraydoran ng mga makaÂbagong Makapili, nagkakasakit ang mga taga-Zambales. Mas mataas na national average ang respiÂratory disease sa Masinloc, Sta. Cruz, at karatig na Infanta, Pangasinan. Ito’y dulot ng alikabok mula sa paghukay ng nickel ore. at usok-tambutso ng libu-libong dump trucks.
- Latest