EDITORYAL - Malampaya funds, ilaan lang sa energy projects
HINDI sana “nababoy†ang Malampaya funds kung hindi ito pinakialaman ng dating Presidente. Kung ang pondong ito ay inilaan lang sa energy development projects at hindi sa kung anu-anong proyekto kuno, hindi sana nalustay ng mga matatakaw na “buwayaâ€. Maraming nakinabang at yumaman sa Malampaya funds. Ngayon, hindi matiyak kung ang mga nakinabang at yumaman sa pondo ay makukulong. Sa dami ng mga iniimbestigahang katiwalian ngayon baka walang mangyari sa sinampang kaso sa mga lumustay ng pondo. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sa misuse ng Malampaya funds ay si dating President Gloria Macapagal-Arroyo at 20 iba pang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR). Kabilang din sa kinasuhan si Janet Lim Napoles na unang kinasuhan sa P10 billion pork barrel scam. Umano’y nakapagbulsa si Napoles ng P900 milyon sa Malampaya funds. Sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Napoles napunta ang pondo ng Malampaya sa halip na mga magsasaka na nabiktima ng mga bagyong “Ondoy†at “Pepeng†noong 2009.
Hindi dapat gamitin ang Malampaya funds sa kapakanan ng mga napinsala ng bagyo o tinamaan ng kalamidad. Ang Malampaya funds ay dapat lang gamitin sa pagdebelop at pagkukunan ng enerhiya sa bansa. Sa batas (Presidential Decree 910) na nilagdaan ni dating president Ferdinand Marcos, iniaatas na ang mga royalties o proceeds ng miniminang langis sa Malampaya, Palawan ay dapat gamitin sa energy development projects. Wala nang iba pang paggagamitan ito. Bilyong piso ang nagiging proceeds ng Malampaya taun-taon.
Subalit ang kautusang ito ay “binali†ni PreÂsiÂdent Arroyo. Ipinag-utos niya na gamitin ang pondo sa mga naapektuhan ng bagyo. Sa puntong ito nag karoon ng ideya ang mga “buwaya†sa DAR at si Napoles.
Nakurakot ang PDAF at pinamudmod naman sa mga senador ang DAP at ngayon, ang Malampaya funds. Kaliwa’t kanan ang katiwalian subali’t walang napaparusahan. Ang pagbabantay ng mamamayan sa Malampaya funds ang dapat gawin. Tigilan ang paglustay sa pondo at ilaan lamang ito sa energy development program.
- Latest