Philippine Foreign ‘Lip’ Service
SA committee hearing ng Committee on Overseas Workers Affairs (COWA) sa Kongreso noong Oktubre 23 tinanong ko ang mga taga-Department of Foreign Affairs kung mayroon ba silang isang written manual of operations kung saan nakalahad ang mga step-by step na patakaran na dapat gawin ng ambassador o consul o labor attaché para lubusang matugunan ang samu’t saring problema ng OFWs. Ang sagot ng mga taga DFA ay parang mga maamong tupang “WALA POâ€. Hesusmaryosep! May 4 na dekada na ang Filipino overseas employment at umabot na ng 10 milyon ang bilang ng ating OFWs, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring uniform manual of operations ang mga embahada para sa protection ng OFWs.
Halimbawa kapag may na-rape na kababayan, mayroon dapat uniform na procedure kung ano ang mga nararapat na gawin ng embahada para matulungan ang rape victim na makakamit ang hustisya. Ganun din kapag may nag-runaway sa embahada dahil sa pam bubugbog, o hindi pinasusuweldo. Sa ngayon, kanya-kanya lamang deskarte ang nangyayari sa bawat embahada. Walang pare-parehong guidelines.
Kaya sa nabanggit na committee hearing, sinabi ko sa mga taga-DFA at taga-DOLE na kapag di sila makasumite sa COWA ng Joint Manual of Operations for the Protection of OFWs in 3 months time haharangan ko ang kanilang mga budgetary requests. Ayon sa R.A. 8042, the “highest priority concern†of the Philippine Foreign Service shall be the protection of all Filipinos overseas. Anong klaseng highest priority concern ang DFA para sa OFWs kung kahit manual ay wala sila. Kapag bumili tayo ng cell phone o anumang gadget ay mayroon laging kalakip na manual. Lalo na dapat sa pagpoprotekta sa OFWs. Dapat may manual para alam ng lahat kung papaano makatulong ng tama at sapat sa OFWs.
- Latest