Taxi Passenger Bill of Rights
NAKABABAHALA ang mga pambibiktimang ginagawa ng mga sindikatong nagroronda gamit ang taxi. Araw-araw, ay may nabibiktimang pasahero partikular sa Metro Manila.
Hindi pa rito kasama ang mga insidenteng hindi na-irereport sa mga awtoridad na ibinabaon na lang sa limot ng mga biktima. Isang masakit na katotohanan na hindi ito masolusyunan ng mga alagad ng batas.
Karamihan sa mga nabibiktima ay kababaihang nag-iisa at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili sa mga masasamang-loob.
Dito sa Metro Manila, gasgas na ang ganitong hokus-pokus. Subalit, sa kabila ng babala ng mga awtoridad nakakalusot pa rin ang mga sindikato at maraming nabibiktima.
Nitong mga nakaraang araw, inihain sa Senado ang Taxi Passenger Bill of Rights. Layunin nito na protektahan ang mga cab rider mula sa kriminal at mabigyan ng patas na pagtrato mula sa taxi operator hanggang sa mga driver.
Sana, seryosohin ng mga kinauukulan ang pagsa-sabatas ng nasabing bill upang mabura na ang negatibong persepsyon ng publiko sa mga namamasadang taxi. Kaakibat rin nito ang pagbaba kung hindi man tuluyang mabura, ang aktibidades ng mga sindikatong nagpa-panggap na driver.
Patuloy na nagbababala ang BITAG sa mga taxi rider lalo na ngayong “ber†months, laging maging alerto sa kapaligiran. Maging paladuda sa lahat ng pagkakataon partikular sa mga estrangherong nag-aalok ng kanilang serbisyo!
* * *
Sa iba pang anti-crime tips ngayong “ber†months, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.
Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops-Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com
- Latest