^

PSN Opinyon

Panawagan kina Purisima at Garbo

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SIBAKAN ang umiiral ngayon sa Philippine National Police matapos na matuklasan ang lihim. Sinibak kahapon ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sina SSupt. Arthur Asis ng Taguig City, Florendo Quibuyen ng Mandaluyong City at Rodolfo Llorca ng Pasay City sa kanilang puwesto matapos ang pangdodoktor umano nito sa report na isinusumite sa Directorial for Investigation and Detective Management at kay Purisima at NCRPO chief Dir. Marcelo Garbo. Parehas naman umano ang pagtrato sa mga ito dahil dumaan sila sa masusing imbestigasyon sa pagsilip at paghalungkat sa mga blotter report at feedback sa mga barangay. Hehehe! Ang masakit mukhang pang-kundisyon lamang ito sa isipan ng sambayanan sa pagkakapahiya ng PNP sa patuloy na paglaganap ng krimen sa Metro Manila.

Kasi nga, tuloy pa rin sa pamamayagpag ang mga riding-in-tandem sa lahat ng sulok ng Metro Manila, holdapan sa mga bus sa EDSA, snatching sa mga LRT station sa may Pasay at Caloocan, sa bisinidad ng Cubao sa Quezon City, idagdag pa natin ang pinamumugaran ng mga kriminal sa   Divisoria at Quiapo at maging sa may kahabaan ng Taft Avenue, Ermita at Malate, Manila. Kitang-kita naman kasi na kulang ang pulis sa mga kalye kung kaya ang mga kriminal ay nagpipyesta. Get n‘yo mga suki? Mas pinag-uukulan kasi ng pansin sa ngayon ng mga pulis ang pagsalakay sa mga illegal vices dahil kahit papaano ang may datung silang nakukuha rito kaysa naman magbilad sila sa init at hamog sa pagsakote sa mga kriminal. Tago na rin ang report ng mga Drug Enforcement Unit ng PNP sa limang distrito ng NCRPO kung kaya may hinala itong aking mga kausap na binabangketa na rin ng mga pulis ang kanilang mga huli.

 

Maging ang anti-carnapping unit ay maganda na rin ang kitaan sa ngayon Director Purisima. Bukod kasi sa lagayan na hindi bumababa sa P200,000 ay ginagamit pa nito ang mga nare-cover na sasakyan. Ayon yan sa sumbong na ipinarating sa akin ni Purisima at Garbo. Mukhang may tama itong sumbong na ipinararating sa akin mga Sir, kasi halos araw at gabi puno ng mga bisita ang mga opisina ng DAID at AnCar sa paghahabol sa kanilang mga kaanak na nasakote. Diyan na nagaganap ang ayusan!  Halos gabi-gabi na lang jeep-jeep na puno ng mga huli sa illegal gambling ang dumarating sa headquarter`s subalit hindi pa rin napapatigil ang sugal sa kalye. Kaya ang panawagan ko kina Purisima at Garbo, pagtuunan n’yo itong mga nabanggit kong unit upang makita n’yo ang mga semplang na kalakaran. Kasi nga lahat ng pinagkakakitaan ay tinatago at ang inilalantad lamang ay yung di-mapagkakakitaan. Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ARTHUR ASIS

DIRECTOR PURISIMA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

FLORENDO QUIBUYEN

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

KASI

METRO MANILA

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with