EDITORYAL - Hubaran, mga opisyal na nakinabang sa Malampaya
WALANG kamalay-malay ang isang empleado ni Janet Lim Napoles na ang kanyang mga tina-transact na business ay may kaugnayan sa pondo ng Malampaya. Hindi raw niya alam ang tungkol sa Malampaya. Iyan ang sinabi ng isang whistle blower nang humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong nakaraang Huwebes. May mga kausap daw silang tatlong “Maria†sa Department of Agrarian Reform (DAR). Dito raw sila nagpa-follow-up kung mayroon nang pondo ang tinatag na non-government organizations (NGOs) ni Napoles. Nireregaluhan din daw ng handbags ang tatlong “Maria†para maging madali ang pag-follow-up sa pag-release ng pondo. Ayon sa Department of Justice, nakapagbulsa si Napoles ng P900 milyon sa Malampaya fund.
Ang Malampaya fund ay royalties na nakolekta sa operasyon ng Malampaya gas and oil fields sa karagatan ng Palawan. Part ng proceeds o kinikita napupunta sa kapakanan ng mga magsasaka. Mula nang makapagmina ng langis sa Malampaya, inilalaan ang kita nito para mapaganda at mapaunlad ang kalagayan ng mga magsasaka at iba pang nagmamay-ari ng lupang sakahan.
Pero hindi ganito ang nangyari sapagkat sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs ni Napoles, “nasipsip†ang milyong pondo. Lalong naging maÂdali ang pagmaniobra ng pondo makaraang manalasa ang bagyong “Pepeng†at “Ondoyâ€. Sa pamamagitan ng mga pekeng NGOs, madaling napalabas na ang pondo ay gagamitin sa rehabilitasyon ng mga sakahan na pininsala ng kalamidad.
Naging madali ang pagsipsip sa pondo sapagkat may mga kakutsabang opisyal sa loob mismo ng DAR. Walang kahirap-hirap ang pagbulsa sa pondo sapagkat mga matataas na opisyal ng tanggapan ang pasimuno. Imposibleng makapasok ang katulad ni Napoles sa DAR kung wala siyang “kakilala†roon.
Nararapat nang hubaran o tanggalan ng maskara ang mga opisyal ng DAR na nakinabang sa Malampaya funds. Madaliin ng DOJ ang pagsasampa ng kaso para mabilad na ang mga gina-wang katiwalian. Hindi naman sana makalabas ng bansa ang mga “buwaya†sa DAR kagaya sa mga naunang opisyal na kinasuhan sa Ombudsman.
- Latest