Pamangkin nina Gretchen at Claudine Barreto, syota ng gambling lord
ALAM n’yo bang syota ngayon ng isang gambling lord ang pamangkin nina Gretchen at Claudine Barreto?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Sen. Bong “Pogi†Revilla, dating Sen. Edgardo Angara, Ruth Abao ng DZRH, Bro. Didi Gonzales, Arman Aquinde ng Eurotel, Engr. Rey Carpio ng Grand Monaco, Rudy Liwanag, Boy Amistoso, Gary Huang at Sis Atty. Armi Jane Borje.
Ayon sa aking bubwit, matindi pala ang kamandag ng kilaÂlang gambling lord sa mga chiching. Hindi lamang pang-artista at pang-matronix kundi pang-iskolar pa. Magandang lalaki kasi si gambling lord at galante kaya lapitin ng mga chiching. Wala siyang bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Ang bisyo niya ay sugal at chiching.
Ayon sa aking bubwit, ang latest na chiching ngayon ni lord ay ang betty-dos anyos na pamangkin ni Gretchen at Claudine. Pagkatapos kay Auntie ay sa pamangkin naman ngayon.
Wala namang masasabi kay lord dahil todo ang suporta sa chiching na maganda, sexy at mestiza. Bukod sa mga regalong mamahaling damit, bags at jewelries, ginawa pa itong iskolar. Si lord pala ang nagpapaaral sa kanya ngayon ng kursong Medicine.
Ayon sa aking bubwit, ang gambling lord na ang siyota ay pamangkin nina Gretchen at Claudine ay si Mr. A. as in Alas.
- Latest