EDITORYAL - Mayroon kayang makulong?
KAHAPON ng umaga, nagsagawa ng survey ang isang TV program. Ang tanong: Sa palagay n’yo mayroong makukulong na pulitiko o opisyal ng gobyerno sa P10-billion scam na ang utak ay si Janet Lim Napoles? Ang sumagot ng OO ay 40% at ang HINDI ay 60%. Mas marami ang nagsabi na hindi makukulong ang mga sangkot na pulitiko at mga opisyal ng gobyerno. Nagpapahiwatig lamang na wala pa ring gaanong tiwala ang mamamayan sa sistema ng hustisya sa bansa kung saan ang mga maiimpluwensiya ay natatakasan ang batas. Marami pa rin ang hindi naniniwala na ang mga kumulimbat ng yaman mula sa kaban ng bayan ay mapaparusahan. Nakatatak na marahil sa isipan nang nakararami na sa kabila nang maraming imbestigasyong isinagawa na may kaugnayan sa paglustay ng pondo ng bayan, wala pa ring napaÂparusahan o naikukulong nang habambuhay.
Kahapon, sinampahan na ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman ng National Bureau of Investigation (NBI) si Napoles at ang mga senador na sina Ramon Revilla Jr., Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada. Isinampa ang kaso dakong 3:30 ng hapon. Dalawang van ang nagdala ng mga ebidensiya. Bukod kay Napoles at tatlong senador, 38 iba pa na kinabibilangan ng mga chief of staff ng mga senador at pinuno ng NGOs ang sinampahan ng kaso. Ayon kay DOJ secretary Leila de Lima, sa susunod na linggo ay marami pa silang sasampahan ng kaso. Ang pagsasampa ng kaso ay ginawa ilang araw makaraang humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee si whistle blower Benhur Luy.
Makulong kaya ang mga senador at congressmen na sangkot sa kaso? Hmmm. Pero sabi ni De Lima, wala silang sasantuhin. Mabigat daw ang hawak nilang ebidensiya at hindi mahahaluan ng pulitika ang kanilang ginagawang pagsasampa ng kaso. Maingat na maingat daw ang ginagawa nilang pagbusisi sa pagsasampa ng kaso. Ayon kay De Lima, hindi sila magiging partisan sa kasong ito. Mapaparusahan ang dapat maparusahan.
Nagngingitngit ang taumbayan sa mga luÂmustay sa pork barrel. Lalo pang nagngingitngit nang ayaw pakinggan ni President Aquino ang hinaing ng mamamayan na aniya’y kanyang mga “boss†para buwagin na ang pork barrel. Sunud-sunod na ang mga ginagawang pagpoprotesta laban sa pork.
Sa pagsasampa ng kaso laban kay Napoles at mga mambabatas, sana nga mayroong mapaÂrusahan. Kung wala, hindi na sila paniniwalaan.
- Latest