Panawagan ng isang dating pulis sa mga senador
Ako po si Gregorio Bucsit Ramos Jr. taga-NaÂguilian, La Union, may-asawa, isang person with disability. Ako po ay isang dating pulis. Na-recruit po ako noong Feb. 15, 1988 at naabsorb sa PNP.
Dati akong miyembro ng Regional Special Action Force (RSAF) bago nadestino sa Baguio City Police Station. Noong Agosto 21, 1990, isang lalaki ang nag-amok at walang patid na nagpaputok ng armaÂlite sa police substation kung saan ako naka-duty. Tinamaan ako sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naputol ang aking kaliwang kamay. Bukod sa akin, anim na iba pa ang nasugatan.
Nagretire po ako noong Okt. 18, 1997 under total permanent physical disability at may pension na P4,480.00 (fix po ito at walang increase). Kamakailan lang po ay nagtungo ako sa Police Retirement and Benefits Unit (PRBU) sa Police Regional Headquarters Region I. Tinanong ako roon kung bakit wala akong pensiyon sa PNP na dapat daw ay mayroon.
Pinapunta nila ako sa PRBU sa Crame. Sabi po roon hindi raw ako sakop ng amended Republic Act 6975.
Bukod sa akin marami pang hindi rin nakatanggap ng pensiyon dahil nga sa amended RA 6975.
Kawawa naman po kami. Ako ay isang PWD at marami pang pinag-aaral. Hiling ko po sa mga senador na gumawa sana sila ng batas kung saan ang katulad ko ay makasama sa PNP pensioners. Tulungan n’yo po kami, please. —GREGORIO B. RAMOS JR. PNP Retired
- Latest