Huwag sanang makalimot
HINDI matitigil ang galit ng tao dahil lamang naaresto na si Ms. Napoles. Ang kanyang kaso ay isang manipestasyon lamang ng mas malalang kanser ng kurapsyon na, sa pagkakataong ito, ay naisentro sa dalawang pinakamalaking sangay ng pamalahaan – ang Executive at Legislative Department.
Huwag magkakamali ang Malacañang na isiping ang mga senador lang at kongresista ang naiipit dito. Batid nating mamamayan na hindi mangyayari ang ganitong kawalanghiyaan kung hindi sa pakikipag-ugnayan ng mga departamento ng Gabinete kung saan nakakarga ang mga halagang binababoy.
Kaya diskumpyado ang marami sa mga naunang pahayag sa imbestigasyon at maging sa mga ulat ng pahayagang Pro-P-Noy na tila inilalaglag ang mga senador na oposisyonista. Sana naman ay huwag gamitin ang makasaysayang pagkakataong ito sa pamumulitika. Kung sinsero ang Presidente na susundan niya ito’t paÂngangatawanan hanggang saan man makarating, samÂpolan na niya ang mga kapartidong mahahanap sa listahan ng mga abusado. Tingnan lang naman ang listahan ng sarili niyang COA at marami rito ang kapanalig niya, kuno, sa partido at sa adhikaing tuwid na daan.
Pero kung sino man ang tutuluyan, sana’y huwag naÂting kalimutan na hanggang sa sandaling ito, sa kabila ng lahat ng naisulat na sa media at sa social networks, ang mga nasangkot ay pawang may karapatan pa ring ituring na inosente hanggang ang kanilang pananagutan ay mapatunayan. Maging si Ms. Napoles na sa ngayon ay sirang-sira na ang paÂngalan ay kailangan pa rin munang husgahan ng isang hukuman matapos ang preliminary investigation din sa piskalya. Maaalalang hindi sa isyu ng pork barrel nakakulong si Ms. Napoles kung hindi sa illegal deÂtention pa lamang ng isang whistleblower.
Sa pagpipyesta ng media sa mga iskandalo, maganda’t nailalarawan sa atin ang anila’y abuso ng kapangyarihan. Subalit gaano man ka-engganyo ang mga pagbubulgar at kahit pa paniwalang paniwala na tayo na guilty ang mga nasasangkot, hindi ito sapat upang mabura ang mga proteksyon na itinalaga ng Konstitusyon sa mga mamamayan laban sa kapangyarihan ng gobyerno. Gaano man kagalit at kahandang mag-alsa ang pamayanan, hindi pa rin ito masisiyahan kung hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapanagot sa mga may kinalaman.
- Latest