Habagat II
GRABE ang habagat dala ng bagyong si Maring bagamat sinasabi ng PAGASA na mas mahina kumpara sa habagat noong nakaraang taon. Ang malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila ay dumanas na naman ng delubyo at tulad ng dati, marami tayong kababayang nagdurusa ngayon.
Noong araw, hindi masyadong napag-uusapan ang habagat dahil wala namang masyadong perwisyong idinudulot. Tinatawag pa natin itong “siyam-siyam.†Pero mas masungit na ang panahon dahil sa climate change. Sa Marikina, ang ilog doon ay sobrang tumaas kaya inilikas ang mga residente sa mga ligtas na lugar.
Ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas) area ay isa sa mga malubhang naaapektuhan sa ganitong mga panahon. Taun-taon ay problema ang pagbaha. Pero sadyang napakalawak ng pinsala ng habagat dahil ang malaking bahagi ng Luson na binubuo ng 16 na lalawigan ay niragasa ng southwest monsoon dulot ng bagyong Maring.
Hanggang sa sinusulat ko ito ay hindi natitinag si MarinÂg sa kinaroroonan kaya patuloy na umaakit ng mga pag-ulan sa bansa.
Sa amin sa Caloocan mahigit sa 750 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha. Interesado ako rito dahil isa akong residente ng lungsod. Personal na nanguna kahapon ang alkalde ng lungsod na si Oca Malapitan sa rescue and relief work.
Dahil sa pag-apaw ng Tullahan River ay maraming residente ang inilikas sa mga ligtas na lugar tulad ng covered court sa Baesa, Caloocan City. Personal na nanguna si Mayor Oca sa pagbibigay ng mainit na pagkain at mga relief goods sa may 200 pamilya mula sa Barangay 160 at 164 na nauna nang inilikas ng lokal na pamahalaan.
Ang pinaka-vulnerable sa pagbaha ay ang mga lugar sa dagat-dagatan, Barangay Bagong Silang at iba pang barangay sa Caloocan North na sineguro ng pamahalaang lungsod na maaasikasong mabuti para tiyakin na maayos ang kondisyon ng mga evaÂcuees at ang distribusyon ng mga relief goods at iba pang pangangailaÂngan ng mga reÂsidente.
Tiniyak naman ng paÂmaÂhalaang lungsod na maÂagap na maaasistehan ang 760 paÂmilyang binaha na ini-report ng Local Disaster Risk ReÂduction and MaÂnagement Office.
Salamat na lang at maliit ang bilang sa taong ito kumÂpara sa 24,000 pamilyang naÂapektuhan ng Bagyong Ondoy noong 2009.
- Latest