^

PSN Opinyon

Napoles ‘least guilty’; masterminds malalaya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG “malawakang manhunt” kay Janet Lim Napoles ay sideshow lang ng malaking pork-barrel spectacle. Kumbaga sa krimen na conspiracy, siya ang “least guilty” o pinaka-magaan na pananagutan. Bagamat daan-daang milyong piso ang kinita ni Napoles sa scam, piyon lang siya. Ika nga, munting facilitator o fixer lang siya, ng masterminds na tumangay ng bultong bilyon-bilyong piso.

 Kung nais malaman kung sino-sino ang masterminds, suriin ang news headline nu’ng Biyernes na “Napoles owns 28 houses.” Ang pinaka-malalaki du’n ay ang Upper at Lower Houses ng Kongreso. Nandoon ang walong senadores at di-bababa sa 25 congressmen na gumamit sa palsipikadong NGOs, mga koneksiyon sa burokrasya, at tapang ng apog ni Napoles para sa pagbubulsa ng pera ng taumbayan.

Mula nang ibalik ang Kongreso nu’ng 1987, nagkaroon na ng pork barrel ang mga buwaya sa Kongreso. Nagsimula nang tig-ilang milyon-piso lang kada taon, para ipantay-pantay kuno ang pondong pam-projects sa lahat ng districts, malaki o maliit, mayaman at mahirap. Kinalaunan, naging P70 milyon kada taon bawat kongresista. Pati senadores, na elected naman at large kaya walang direktang constituents, binigyan ng mas ma-laking P200 milyon kada taon. Kaya bawat kongresista ay merong P210 milyon pork sa tatlong taong termino, at ang senador P1.2 bilyon sa anim na taon ng pag-upo.

Hindi sa kapakanan ng taumbayan napupunta ang pork barrel. Kunwari’y sa kalsada o tulay, pero kinukumisyunan nang di-bababa sa 20%. Kunwari’y sa gamut o fertilizers, pero di-bababa sa 40% ang kickback. Pasok si Napoles na “pinulido” ang nakawan sa pamamagitan ng fake NGOs at paunang suhol sa mga taga-release ng pondo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­ba­do, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

BAGAMAT

BIYERNES

IKA

JANET LIM NAPOLES

KAYA

KINALAUNAN

KONGRESO

LOWER HOUSES

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with