^

PSN Opinyon

Magdala ng apoy sa lupa

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay natutungo sa poot ng mga kaaway. Sabi ni Jeremias: “Lagi akong may kaaway at katalo sa lupain”. Kaya ang mga pinuno ni Haring Sedequias ay nais siyang ipapatay sapagkat ang pangangaral niya ay hindi nakatutulong sa kapangyarihan ng mga kawal.

Sa nakalipas na libong taon, ang kasamaan noon ay patuloy hanggang ngayon. Ang ipinaglalaban ni Jeremias na katiwalian ng mga pinuno ng kaharian ay katulad ng mga nabibisto ngayon na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sinusuweldo “kuno” ng mga manggagawa sa mga lupain na hindi naman alam at talagang hindi napakinabangan.  Ang Diyos ay hindi natutulog. Mabubuking ang lahat ng katiwalian sa pamahalaan.

“Ang pagtulong mo sa amin, Panginoon, ngayo’y gawin”. Panginoon, dinggin mo ang aming panaghoy. Sinasabi sa sulat sa mga Hebreo, “Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang paglaban ng mga makasalanan upang hindi kayo panghinaan ng loob.” Kaya patuloy tayong manala- ngin sa Panginoon upang ipagkaloob sa atin ang katarungan at linisin na ang mga katiwalian sa ating bayan.

Asahan natin ang sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana’y napagningas na ito!” Ang apoy na sinasabi ni Hesus ay katulad ng apoy na kitang-kita ni Moises na nagliliyab ngunit hindi nasusunog ang punongkahoy. (Exodo3:1-6). Ito ay ang dilang apoy na ipinadala ni Hesus kay Maria, mga alagad at sa mga may pananampalataya sa Kanya. Ito ang Espiritu Santo. Ang apoy na ito ay mas mahalaga kaysa kapayapaan.

Sinabi pa ni Hesus na maraming magkakabaha-bahagi. Maging mag-anak ay maglalaban-laban pati mga manugang sapagkat dumating na ang panahon na marami sa atin ang wala nang lubos na pananampalatya sa Diyos. Marami na sa atin ang hindi man lamang pumapasok ng simbahan sa lingguhang pagdiriwang. Espiritu Santo liwanagan mo po kami!

Jeremias 38:4-6, 8-10; Salmo 39; Hebreo 12:1-4 at Lukas 12:49-53

vuukle comment

ANG DIYOS

ESPIRITU SANTO

HARING SEDEQUIAS

HEBREO

HESUS

JEREMIAS

PANGINOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with