^

PSN Opinyon

The 4th King Report Card

Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KALIWA’T KANAN ang pagbibitiw sa posisyon ng mga matataas na kawani ng Bureau of Customs. Ito ay matapos ang madamdaming talumpati ni P-Noy noong SONA. Kinastigo niya ang Kawanihan dahil sa umano’y “padrino system” na ugat nang maraming anomalya dala sa impluwensiya ng mga malalakas na pulitiko sa kanyang gobyerno.

 Ang Bureau of Customs ang ahensiya ng gobyerno na nagsasala ng lahat ng kargamento na pumapasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa, maging daang himpapawid o dagat. Lahat ng mga pumapasok sa bansa ay dapat masinsinang naiinspeksyon upang masigurado na ligtas, nababayaran ang tamang buwis at sumasang-ayon sa ating batas.

 Ang estado ng pakikipagkalakal sa mga banyagang bansa ay isa sa basihan ng kalakasan ng pambansang ekonomiya. Layunin ng bawat customs bureau ang pagkakaroon ng malakas na sentro ng pangangalakal sa bansa. Ang “padrino system” ay kalaban ng layuning ito. Naglalayon itong magpababa ng ekonomiya dahil may iilang pulitiko ang pinapabayaan hindi sumunod sa batas at hindi magpabayad ng tamang buwis.

 Ang pagtutuwid ng daan sa Customs ay bahagi ng adhikain ni P-Noy. Mahigpit na pagrenda ang kailangan —mararamdaman at maririnig ito sa kanyang pananalita sa harap ng kawani ng gobyerno noong SONA. Sinabi niya na kilala niya kung sino ang mga ito. Bilang pinakamataas na pinuno, hinamon niya ang mga mas nakakababang posisyon sa kanya na sila ang isalang at pangalanan ang mga may kaugnayan dito. Sagot sina Senador Escudero at Trillanes noong isang araw na, teka, bakit yung mas nakabababa ang inaasahang magtapat? Kung kilala pala ni P-Noy, di ba dapat na siya mismo, sa parehong malakas na pananalita ang maglantad ng kung sino ang padrino at pinapadrino? Sino nga ba itong 3 Kings na naturingan?

Nagdulot nang mara-ming pagbibitiw sa puwesto ang mahigpit na pagpapa-tupad ni P-Noy ng kanyang tuwid na daan. Mabilis niyang tinanggap ang ilan sa mga ito. Sa mga matataas na kawani ng Customs na nagbitiw, mapapansin na may mga hindi siya pinayagan.

Mukhang hindi lang sa ahensya ng Customs namumuhay ang “padrino system”.

ANG BUREAU OF CUSTOMS

BILANG

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

KAWANIHAN

P-NOY

SENADOR ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with