^

PSN Opinyon

Hari?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa pagbatikos ni President Aquino sa Bureau of Customs sa kanyang SONA, 17 district collectors, o ang “17 King of Customs” ang inutusan ni Commissioner Ruffy Biazon na bumitiw sa kani-kanilang mga puwesto. Isang hakbang daw na tutugon sa panawagan ng reporma sa nasabing kawanihan. At dahil mainit ang balita ngayon sa Customs, kailangan na talagang gawin ito, ayon na rin sa gusto ng Presidente na malinis na ang Customs. Nakaantabay rin ang mamamayang Pilipino kung ano ang susunod na magaganap sa Customs.

Unang bumitiw si Commissioner Biazon matapos ang SONA ni Aquino, pero hindi ito tinanggap ng Presidente at sinabing naiintindihan niya ang hirap ng trabaho sa Customs. Bumitiw na rin ang dalawang Deputy Commissioners na sina Danilo Lim at Juan Lorenzo Tañada. Sila naman ang nagsasalita ngayon tungkol sa hirap ng trabaho sa Customs. May mga padrino at malalakas na opisyal na umano’y nakikialam sa kanilang mga tungkulin. Mga pinakikiusapang umanong tao at kagamitan. Masyado na raw malalim ang mga ugat ng korapsyon sa Customs kaya mahirap buwagin. Kasama na rin dito ang pagtanggi ng mga nagrereklamo na magsampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal sa Customs. At siyempre, nandiyan rin ang mga negosyanteng mas gustong bayaran na lang ang mga tao sa Customs, imbis na magbayad ng buwis sa gobyerno.

Pero kung ililipat lang ng puwesto ang “17 hari” na iyan, hindi kaya hindi rin magtagal ay may mga operasyon na rin sila sa bago nilang lokasyon? Hindi kaya inilipat lang ang katiwalian? Bakit hindi na lang tanggalin sa puwesto ang mga kilalang tiwali? Siguro naman alam ng lahat, pati si Commissioner Biazon, kung sino sila. At maitanong ko na rin, kung puwede palang gawin ang

paglipat sa kanila, o pagtanggal sa kanila, bakit ngayon lang? Dahil ba bi­natikos na ni Aquino sa SONA? Kung ganun, da­pat pala buwan-buwan ay may SONA!

Ito ang mga kilos na matagal nang hinihintay na maganap sa Customs. Tama ang aksyon ni Biazon na hingin ang pagbitiw ng mga “hari” sa Customs. Sana lang ay matagal na niyang ginawa ito. Pinakamalakas naman ang kanyang padrino, kumpara sa mga padrino ng mga “hari”, di ba?

AQUINO

COMMISSIONER BIAZON

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CUSTOMS

DANILO LIM

DEPUTY COMMISSIONERS

JUAN LORENZO TA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with