Idols of money, power and pleasure
NANAWAGAN si Pope Francis sa mga Katoliko na talikuran ang mga diyus-diyosang salapi, kapangyarihan at sarap ng buhay.
Hindi lamang para sa mga Katoliko ang panawagang ito kundi sa lahat ng tao ano man ang pananampalataya. Ang sino mang haling sa pagmamahal sa salapi ay dapat mag-isip-isip. Ang tawag ng Roman Pontiff sa kinahuhumalingan at sinasamba ng marami ay “ephemeral idols†o mga diyus-diyosang naglalaho parang ulap.
Ang pinakamataas na pinuno ng Iglesia Catolico Romano ay kasalukuyang nasa Aparecida, Brazil sa pagdiriwang ng World Youth Day.
Ipinagugunita sa atin ng panawagan ng Papa ang nakasaad sa 1 Timothy 6:10: For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.
Angkop ang panawagang ito sa lahat pero lalung dapat pagbulayan ng mga umuugit ng ating pamahalaan. Yung mga pinagkatiwalaan nating magbantay sa kapakanan ng mga tao pero nagiging “bantay-salakay.â€
Klasikong halimbawa ang kontrobersya sa Bureau of Customs na kamakailan ay todo-todong sinabon ni Presidente Aquino dahil sa hindi mapigilang kaso ng smuggling sa ating mga daungan na dito’y nawawalan ng bilyun-bilyong halaga ng revenue ang pamahalaan. Isang maliit na bahagi lang ang Customs at hindi pa naisasali ang ibang sangay ng pamahalaan na vulnerable sa corruption.
Kakatwa na ang pinaka-battle-cry ng administrasyon ay “daang matuwid†marami sa mga itinalagang mamuno sa mga tanggapan ang ayaw makiisa sa magandang adhikain. Kakatwa rin na matapos magbitiw ang pinakamataas na pinuno ng Customs ay sinabihan pa siya ng Pangulo na “You still have my trust.â€
Taumbayan ang nagdurusa kapag kinakapos ang pamahalaan ng pantustos sa mga programang dapat pakinabangan natin. All because of the love of money. Sanay paglimiin din ng mga kinauukulang taong nagsasamantala sa kaban ng bayan ang mga salitang ito mula sa Bibliya:
Mark 8:36 – Ano ang pa-kinabang ng tao makamtan man ang lahat ng yaman ng mundo kung mapapahamak ang kaluluwa sa impiyerno.
- Latest