^

PSN Opinyon

‘Baby thieves’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BINABALAAN ang mga magulang partikular ang mga nasa Metro Manila, kayo ang subject ng mga sindikato! Sila ‘yung mga organisadong grupo na umaaligid para mag-alok ng oportunidad na maging artista at commercial model ang inyong mga anak.

Ang gasgas na nilang estratihiya, kukunin muna nila ang loob at tiwala ng mga magulang.  Kapag kampante na sa kanila ang kanilang target, pagkakataon na ito para ikasa ang balak!

Taun-taon, laman ng estatistika ng Philippine National Police ang insidente ng pagkawala ng mga bata. Ayon sa mga awtoridad, walang pinipiling panahon ang mga sindikato.

Bagama’t gasgas at paulit-ulit na itong all points bulletin sa publiko, hindi magsasawa ang BITAG na magbabala sa ganitong uri ng modus!

 Hangga’t may mga uto-utong mga magulang na nawawala sa katinuan habang naiisip ang kasikatan at kalansing ng pera, tataas pa ang ganitong uri ng krimen!

Huwag ipagkatiwala ang inyong mga anak sa mga estrangherong basta na lang nagsulputang parang mga kabute sa inyong harapan! Oras kasi na pumiyok kayo sa kanilang mapanuksong-alok, hulog na kayo sa kanilang BITAG!

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

AYON

BAGAMA

HANGGA

KALAW HILLS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with