^

PSN Opinyon

Paano magiging mas matalino?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

AYON sa isang pagsusuri, kapag nagkakaedad ang isang tao, humihina nang bahagya ang pag-iisip. Ngunit, may ibang tao naman na lalo pang tumatalino kapag nagkakaedad. Ano ba ang sikreto nila para tumalino?

1. Maglakad ng 45 minutos. Kapag tayo’y nag-eehersisyo, mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan, kabilang na ang daloy ng dugo sa ating utak. Sa mga estudyante, kapag hindi mo alam ang sagot sa test, igalaw-galaw ang iyong mga paa at baka maalala mo na ang tamang sagot.

2. Paganahin ang utak. Gamitin lagi ang ating pag-iisip. Magsagot ng crossword at puzzles. Mag-enroll sa eskwelahan. Makipaglaban ng chess. Huwag magretiro at ituloy lang ang iyong mga proyekto.

3. Kumain ng pagkaing pampatalino. Ang mga subok na brain foods ay mani, matatabang isda (tulad ng tuna, tilapia, salmon, sardinas at tamban), abocado, olive oil, cocoa spaghetti sauce at tomato sauce.

4. Puwedeng uminom ng Omega 3 Fish Oil supplements. Napatunayan na makatutulong ito sa pagganda ng daloy ng dugo sa ating puso at utak.

5. Itanong sa doktor kung puwede kang mag-Aspirin. Kung ika’y may diabetes, sakit sa puso, o istrok, baka makatulong sa iyo ang aspirin 80 mg tableta bawat araw. Kumunsulta sa doktor.

6. Magkaroon ng kaibigang mas bata at mas matanda sa iyo. Huwag puro kaedad mo lang ang kausap mo. Marami kang matututunan sa mga nakatatanda sa iyo. At sa pag-uusap sa mga bata, mahahawa ka sa sigla nila.

7. Labanan ang stress. Masama ang stress sa katawan at utak. Nakatatanda ang stress kapag hindi agad ma-bigyan ng solusyon ang iyong problema. Ayusin ang mga problema sa buhay. Tawanan at dalhin ng magaan ang iyong mga ginagawa.

8. Mangarap nang ma-ngarap. Maniwala kang mag­kakatotoo ang iyong mga pangarap. Daanin mo sa sipag at dasal at baka ma­kamtan mo na ang iyong ina­asam. Tingnan mo na lang si Charice Pempengco. Wa­­ lang imposible sa buhay natin!

9. Alagaan ang iyong ulo. Iwasang mahulog o ma­tum­ba. Magsuot ng helmet at maglagay ng seatbelt para iwas sa aksidente. Hu­wag ha­ yaang masuntok o ma­un­tog ang iyong ulo. Baka mamatay at mabawasan ang mga selula natin sa utak.

10. Kumunsulta sa dok­­tor at magpa-check up bawat taon. Kapag malusog ang iyong katawan, si­guradong masigla rin ang lagay ng iyong utak. Good luck.

ALAGAAN

CHARICE PEMPENGCO

FISH OIL

HUWAG

IYONG

KAPAG

KUMUNSULTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with