^

PSN Opinyon

Manila’s special issues

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

TUWING may bagong administrasyon sa Lungsod ng Maynila, iba-ibang isyu ang inaantabayanan ng mga Manilenyo. May mga usapin na lahat tayo ay may interes – tulad ng peace and order, corruption at red tape, garbage, traffic at baha at ang pag-angat ng kita ng lungsod. Subalit mayroon ding ibang isyu na tanging sa Lungsod ng Maynila lamang makakaharap gaya ng Pandacan oil depot; ang pagbawi ng mga Crown Jewels ng Maynila tulad ng Intramuros, Luneta, Folk Arts Theater at iba pang propriyedad na inagaw ng pamahalaang nasyonal; ang Metropolitan Theater; at ang kapalaran ni Mali the Elephant.

Sa nakaraang 20 taon, walang naging resolusyon ang mga isyung ito. Mula 1992, dadalawang tao ang naghatian sa opisina ng alkalde ng Maynila – sina Alfredo Lim at Lito Atienza. Ngayon lamang sa loob ng ganoong katagal na panahon magkakaroon ang Maynila ng bagong personalidad sa City Hall sa katauhan ni President Joseph Estrada. Bagyo  ang kanyang pambungad na deklarasyon tungkol sa peace and order, corruption at sa pagbangon ng lungsod. Kung kaya ang kanyang magiging desisyon sa mga espesyal na usaping nabanggit ay talagang inaasahan at pinag-uusapan na, ngayon pa lang. 

Sa mga “special” issues ng Maynila, marahil ay sa pagbawi ng mga Crown Jewels talagang makakapuntos si Erap, dala ng kanyang “stature” bilang dating presidente. Mariing negosasyon at pakiusapan ang kailangan dito lalo na’t mismong si President Aquino at ang Kongreso ang kailangan pumayag sa pagsauli ng mga pag-aari ng lungsod. Hindi kontrobersyal ang hinihingi ng Maynila dahil wala namang kumukuwestiyon na kinuha lamang ng national government ang mga ito noong martial law nang walang pasintabi. 

Ang siguradong kontrobersyal ay ang pagpapaalis ng Big 3 oil companies sa Pandacan. Ngayon pa lamang ay binila­ngan na sila ni Vice Mayor Isko Moreno at pinaalalahanan na may taning ang kanilang pamamalagi gaya ng tinakda ng ordinansa ng Konseho. Tinatayang makikiusap muli ang mga ito sa City Hall. Huwag lang sanang kalimutan ng bagong pamunuan na sa tinagal na ng mga kompanyang ito sa baybay ng Ilog Pasig, wala man lang silang kahit kaunting kontribusyon sa kaban ng Maynila kahit pa bilyun-bilyon ang kanilang kinikita dahil panay ang pilit nila na exempted sila sa pagbayad ng business tax sa Maynila. Kahit pa sa panahong naghihirap ang kanilang host city, hindi sila narinig na mag-alok man lang ng kahit anong halagang pantawid gayong dekada nang sinasamantala ang hospita­lidad ng mga Manilenyo.

ALFREDO LIM

CITY HALL

CROWN JEWELS

FOLK ARTS THEATER

ILOG PASIG

LITO ATIENZA

MALI THE ELEPHANT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with